^

PSN Opinyon

Demokrasya ba tayo o 'kakistokrasya'?

SAPOL - Jarius Bondoc -

TURO ng sinaunang Gresya sa daigdig ang “demokras­ya”. Halaw ang konsepto sa mga salitang Griyego na demo (mamamayan) at kratia (lakas). Pero hindi tulad ngayon na umiiral ang demokrasya sa pamamagitan ng mga halal na kinatawan ng mamamayan, hindi humihirang noon ng pinuno ang Athens, sentro ng Gresya. Sa halip, maya’t maya nagtitipon ang mga mamamayan para direktang magpasya ng malalaking isyu. Todo ang demokrasya nila. Kung minsan hindi ito praktikal; halimbawa, kung ibigay sa mamamayan ang direktang pasya kung lulusob o aatras ang army nila. Kaya inimbento ng modernong pamahalaan ang halalan.

Ganunpaman, marami pang ibang karanasan kaya’t uri ng lakas ang itinuro ng sinaunang Gresya. Nariyan ang “plutokrasya” o lakas ng mayayaman (pluto sa Griyego), at “awtokrasya” o lakas ng iisa (auto). Kakambal ng una ang uri ng gobyerno na “oligarkiya” na halaw sa mga salitang olig (iilan o natatangi) at archia (pamumuno). Kakambal naman ng pangalawa ang “monarkiya” na mula sa mon (ako lang) at archia.

Katangi-tangi ang “kakistokrasya”, o pamumuno ng mga pinaka-walang kuwenta o kakayahan. Mula ito sa Griyegong kakis, na sukdulan ng kakos (masama) at kratia (lakas). Biruin mo, posible palang magkataon o magkaisa na mamuno ang mga pinaka-walang-karapatan! Kumbaga, hari ang sintu-sinto, kinatawan ang pinaka-makasarili, tagapayo ang pinaka-bobo, huwes ang pinaka-di-makatarungan, gabinete ang pinaka-walang karanasan, embahador ang pinaka-traydor, heneral ang pinaka-duwag, pulis ang pinaka-pusakal, obispo ang pinaka-makasalanan.

Alam ko kung ano’ng bansa ang iniisip mo. May mga nagsasabi ngang kakistokrasya ang pamu­­nuan ng kasalukuyang Kor­­ te Suprema.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ALAM

BIRUIN

GANUNPAMAN

GRESYA

GRIYEGO

GRIYEGONG

KAKAMBAL

PINAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with