^

PSN Opinyon

Pangongotong ng mga pulis-Parañaque

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAKAHIHIYANG tanawin ang nagkukumpulang pulis ng Parañaque City sa ilalim ng C-5 Extention/Dr. A Santos Avenue flyover sa Bgy. San Donisio, tuwing hapon. Sa laki nang kakulangan ng pulis para maprotektahan ang mamamayan, nagagawa pa nilang mag-bonding. Pila ang motorcycle riders na kanilang hinuhuli subalit walang natitiketan. Ewan ko kung nasisilip ito ni Parañaque City Police chief Supt. Billy Beltran na ilang metro lang ang layo sa kanyang bagong opisina.

Mukhang may basbas ni Beltran ang pangongotong ng kanyang mga tauhan kaya bulag, pipi’t bingi siya. Gasgas na ang mga pagmumukha ng mga tauhan ni Beltran sa mga nagdaraang motorista. Ayon sa sumbong na nakarating sa akin, mula P100 hanggang P500 sa mga motorcycle rider na nahuhuling walang helmet at back riding. Kaya mababa ang tingin ng sambayanan sa mga pulis ngayon dahil wala nang inaatupag kundi ang mangotong sa mga motorcycle rider. Sayang ang laway ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome kapag ini-interview. Ayon kay Bartolome, mas dinagdagan niya ang mga pulis sa kalsada upang madaling mahabol ang mga kriminal na bumibiktima sa mamamayan.

Pero mukhang nagkamali si Bartolome dahil mas inu­­una pa ng mga pulis ngayon ang kanilang bulsa kaysa magserbisyo. Maging si NCRPO chief Dir. Alan Purisi­ma ay tahimik sa mga nangyayari, may pinagkaka­aba­lahan kaya siya? Ewan ko lang kung ano ang kanyang plano sa sunud-sunod na namang pananambang ng mga riding-in-tandem sa Metro Manila. Kabilang na rito ang pananambang kay Dr. Adonis Peren no­ong Sabado ng gabi sa San Marcelino at Quiri-no Ave­nue, Ermita. Rush hour nang mangyari ang krimen subalit walang pulis na nakita sa naturang lu­gar.

Nasaan ang pinagmamalaki nina PNP chief Bar­tolome at NCRPO chief Dir. Purisima na police visibility? At habang pi­nag-iisipan nina Bartolome at Purisima ang pormula sa pagpuksa sa riding-in-tandem, hiling ko na unahin ang nakahihiyang ginagawa ng mga tauhan ni Supt. Beltran sa ilalim ng flyover sa San Dionisio.

Abangan!

vuukle comment

ALAN PURISI

AYON

BARTOLOME

BELTRAN

BILLY BELTRAN

CITY POLICE

DR. A SANTOS AVENUE

DR. ADONIS PEREN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with