Nasa kadiliman ang kasamaan
BUKAS, Marso 19, ay kapistahan ni San Jose, asawa ni Maria, patron ng universal church at mga manggagawa na ipinahayag ni Pope Pius IX noong 1870.
Sumama nang sumama ang mga pinuno ng Juda, saserdote at mamamayan sa Jerusalem. Hinahamak nila ang mga sugo ng Panginoon sa pagmamalasakit sa Kanyang templo. Sa kasamaan nila ay winasak ang buong Jerusalem ng mga kalaban, nasakop sila at dinala silang lahat na bihag sa Babilonia. Sa kabutihan ng Diyos ay sinagip sila at pinapanibago ni Cirio, hari ng Persia. Kinasangkapan siya ng Diyos upang ibalik sila sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagkakabilanggo sa templo ng Jerusalem. “Kung ika’y aking lilimutin wala na akong aawitin.”
Ang kabuuan sa panahong ito ng 40 araw ng pagha-handa sa Panginoon ay pawang pagbabalik-loob sa Diyos, pagsisisi at pahingi ng kapatawaran. Sa isang tunay na Kristiyano ay pawang kapayapaan ng puso at isipan tuwing panahon ng Kuwaresma at lubusang nagbabalik-loob sa Diyos, humingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan. Sa kapistahan ng Muling pagkabuhay ni Hesus ay kaugnay tayo sa muling pagkabuhay ng ating pagkatao sa pagsisisi sa nagawang kasalanan.
Masagana ang habag ng Diyos at dakila ang pag-ibig sa atin sapagkat tayo ay binuhay Niya kay Hesus kahit na noo’y patay tayo sa ating pagsuway. Napakabait ng Diyos sa atin. Ang Kuwaresma ay panahon ng ating lubusang pagsisisi at pagpapanibago sa buhay na pawang kabutihan. Ang pagtataas sa Anak ng Tao (pako sa krus) ay pagpapahayag ng ating pananampalataya kay Hesus upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sinugo ng Diyos Ama ang anak Niyang si Hesus upang hindi tayo parusahan kundi iligtas.
* * *
Tauspuso akong nakikiramay sa Kaparian sa pag-
panaw ni Cardinal Jose T. Sanchez noong Marso 9, 2012. Siya po ang nag-orden sa akin bilang pari noong Disyembre 8, 1975 (Inmaculada Consepcion) at ginawa sa aking bayan sa Sariaya, Quezon. Ako po ang kauna-unahang inordenan sa aming diosesis ng Lucena sa sariling bayan.
2Cronica 36:14-16, 19-23; Salmo1 36; Efeso2:4-10 at Jn3:14-21
- Latest
- Trending