^

PSN Opinyon

Masibang police official

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DAHIL sa kasibaan ng isang police official, nalagay na naman sa kahihiyan ang ating bansa. Ayon sa aking espiya, Korean national pala ang biniktima ng police official at kinotongan ng $40,000. Nabuking lamang ito nang umuwi ng Korea ang biktima at magsumbong sa mga magulang nito na agad namang ipinarating ang reklamo sa Konsulado ng Korean Embassy dito sa ating bansa. Halos matunaw sa kahihiyan ang masibang police official nang makaharap ang mga sugo ng Korean Embassy dahil ang inakusahan niyang Koreano ay malinis ang pagkatao. Ipinatawag ng district director ang masibang opisyal upang pagpaliwanagin. Nangatuwiran ang masibang police official na lihitimo umano ang kanilang buy-bust operation nang mabingwit ang Koreano. Ang masakit mukhang hilaw ang katuwiran nito kaya nairita ang district director at ipinasauli ang dolyar na kinotong sa Koreano. Kaya noong Martes ng gabi kasama ni district director ang masibang police official sa pakiki-pagharap sa mga sugo ng Korean Embassy at isinauli ang $40,000. Sa ngayon mukhang namiminto na masibak siya sa puwesto at ang balita ay ilalagay lamang sa District Headquarter’s Security Support Unit habang hinihintay ang bendisyon ni Mayor. Ngunit maugong ang balita na bata ito ni Mayor kaya hindi ito natitinag sa kanyang tiwa-ling lakad. Mukhang baluktok na daan ang nilalandas ng mga pulis, PNP Chief Gen. Nicanor Bartolome? Sa totoo lang, maraming pulis ngayon ang nalilihis ng landas at ang puntirya ay mga dayuhan sa ating bansa. Dapat na itong aksyunan ni Bartolome dahil kung magpapatuloy ito, masisira ang imahe ng PNP.

Napahiya na tayo noong August 23, 2010 matapos mapatay ang siyam na Hong Kong national sa isang hostage drama sa Quirino Grandstand. At iyon din ang naging hudyat sa PNP na sanayin ang mga pulis sa pag-handle ng hostage crisis. Naging moderno na ngayon ang mga kagamitan ng mga pulis kaya nakabangon na kahit papaano sa kahihiyan, Subalit sadya yatang may ilang pulis pa rin ang likas na masiba sa pera. Dapat na silang walisin ni Bartolome. Abangan!

BARTOLOME

CHIEF GEN

DAPAT

DISTRICT HEADQUARTER

HONG KONG

KOREAN EMBASSY

KOREANO

NICANOR BARTOLOME

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with