^

PSN Opinyon

'Impeachment Trial' (analysis)

- Tony Calvento -

APAT NA BESES sa loob ng isang linggo, tuwing alas 2:00 ng hapon ang mga Pilipino ay nakatutok sa telebisyon at nakikinig sa radyo.

Marami sa masang Pilipino hindi naiintindihan kung ano ang pinagtatalunan kaya minarapat namin na humingi ng tulong sa isang primyadong abogado mula sa isang kilalang Law Firm si Atty Joyce Geneva.

Bakit ba sumasailalim sa isang Impeachment Proceedings ang ating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Renato Corona?

Sa ika-apat na araw ng paglilitis tinawag ng Prosecution ang ikatlong testigo na si Atty. Randy Rutaquio, Registrar of Deeds ng Taguig-Pateros. Si Public Prosecutor Elpidio Barzaga Jr. ang sumuri sa mga dokumento upang kilalanin at patotohanan ang kaugnay sa mga titulo at ari-arian ni Chief Justice Renato Corona. Pati na rin ang proseso ng pagpaparehistro ng mga titulo at iba pang mga bagay na kaugnay sa kanyang mga tungkulin. Inilabas ni Atty. Rutaquio ang mga dokumento kung saan ay minarkahan ng Prosecution at ng Defense.

Lumabas sa Senado ang mga ari-arian na nakapangalan kay Mrs. Cristina Corona at kay Chief Justice Renato Corona tulad ng ‘condominium’ at mga lupain.

Sa pag ‘cross examination’ ng Defense Counsel Serafin Cuevas, sinabi ni Atty. Rutaquio na wala siyang direktang partisipasyon sa proseso ng pagpaparehistro ng mga titulo.

Sa kabilang banda, inihayag ni Atty. Cuevas na ang mga titulo na ipinakita sa taga-usig ay walang kaugnayan sa alegasyon na si CJ Corona ay nabigong mag-file ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). 

Tinawag din ang pang apat na witness na si Atty. Carlo Alcantara, Acting Registrar of Deeds of Quezon City. Siya ay iprinisinta ni “Private Prosecutor Jose Justiniano.

 Ang pang limang testigo ay si Atty. Sedfrey Garcia, Registrar of Deeds ng Marikina City.

Kahit na nagawa ng Prosecution na ipakita ang ilang mga saksi upang matukoy at mapatunayan kung may anomalya ba sa mga pag-aari ni CJ Corona, ang isyu na hinaharap ng Prosecution ay kung sapat na ba ang reklamo  o ito ba’y isang ‘impeachable offense’ laban kay CJ Corona sa ilalim ng Article # 2.

Ang mga pinaka alegasyon sa kanya ay ang patungkol sa kanyang hindi pagbunyag ng kanyang SALN’s. hindi umano pagdedeklara ng ilang ari-arian ang pagkamal ng ‘ill-gotten wealth’.

Sa ganitong uri ng kaso nararapat para kay CJ Corona na humingi ng detalyadong listahan ng kanyang mga binayaran upang masagot niya ang mga binabatong issue laban sa kanya.  

Sinasabi sa Section 1 of Republic Act No. 1379 na ang mga ari-arian na nakapangalan sa mga kamag anak o kahit sinong taong may kaugnayan ay mahalaga upang matukoy kung ang isang opisyal ng pamahalaan ay meron ngang ill-gotten wealth.

Tungkol sa mga ari-arian ni CJ Corona hindi niya maaring sabihin na binili niya ang kanyang property sa pamamagitan ng pagbabayad ng ‘installment’ dahil hindi niya ito idineklara sa kanyang SALN 2010

Sa katunayan, ang tanging ipinahayag lang ni Corona sa kanyang mga nakaraang SALN ay isang ‘cash advance’ na kinuha niya noong taong 2003, kung saan ang pagbabayad ay ginawa mula sa 2005 hanggang 2009. Simula noon hindi na siya naglagay ng ‘liabilities’ sa SALN noong 2010. Gayunpaman nakabili pa rin siya ng Bellagio I property na ang nakalista umano ay ‘under valued.

Malinaw na bukod sa ari-arian ng Bellagio I, Corona ay nakakuha pa siya ng tatlong (3) iba pang mga ari-arian kung saan napasa sa kanya noong siya’y Associate Justice:

Sa ika-limang araw hinihiling ng Defense na ipagbawal ang pag-uusig muli sa paragraphs 2.3 at 2.4 ng Impeachment Complaint para sa di-umano’y walang katuturan, hindi tama at nalalabag ang ‘constitutional rights’ ni CJ Corona. Ito ay malinaw na paraan upang itago ang akusasyon na si CJ Corona ay nakakuha ng yaman dahil sa ‘ill-gotten wealth’.

Ang impeachment proceedings ay katulad ng ‘administrative cases’ kung saan ang respondent ay hindi mawawalan ng kalayaan, ‘property’ kundi matatanggal lang siya sa pwesto.

Napansin din namin na ang kakulangan ng paghahanda ay nagiging resulta sa mga hindi inaasahang pagkaantala.

Tinalakay sa pang anim na araw ng ‘impeachment’ ang mga dokumento na ipinakita ay naglalaman ng mga nakarehistrong ari arian na nakapangalan kay CJ Corona pati na rin sa ilalim ng pa­ngalan ng kanyang asawa, mga anak at manugang na lalaki, na hindi  proporsyon sa kanyang suweldo bilang iang pampublikong opisyal.

Sa SC’s Alpha List, ang dineklarang ‘gross income’ ni CJ Corona ay hindi hihigit sa isang milyong piso kada taon. Gayun din ang kita ng kanyang asawa. Ang ‘net worth’ ni Corona tulad ng ipinahayag sa kanyang 2010 SALN ay P22, 938,980.00. Ang kabuuan ng kanyang ari arian ay umaabot sa halagang Php18, 438,980.00.

Sinasabi sa Section 2 of Republic Act No. 1379 (Forfeiture Law) na sinumang pampublikong opisyal o empleyado na nakakuhang ari-arian sa panahon ng kanyang panunungkulan kung saan ang halaga ay lagpas at hindi proporsyon sa kanyang sweldo bilang pampublikong opisyal o kanyang iba pang mga legal na pinagkakakitaan, ang nasabing ari-arian ay dapat ituring na

‘prima facie’ o ‘unlawfully acquired’.

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig Citymula Lunes-Sabado.

NAIS kong pasalamatan ng Register of Deeds ng Lemery, Batangas na si Atty. Ben Torres. Si Atty Torres na tumulong sa ating mga kababayang OFW’S mula sa Italy para miayos ang estadong iniwan ng kanilang mana si Mariano Coloma Domingo. Inasikaso ng mabuti para maging legal ang mga minana ng pamilya dahil sa gahol sa panahon itong biyuda na si Zenaida Galit Domingo at pabalik na para magtrabahong muli sa Italy. Matapos na i-assess nitong si Atty Domingo ang dapat bayaran ng pamilya ni Mariano, sinamahan pa niya ang mga ito sa Batangas, City kung saan dapat bayaran sa isang Commercial Bank. Nangako itong si Atty Torres na sa sandaling lumitaw na ang bayad mula sa commercial bank ang ‘inheritance tax’ng pamilya ni Mariano, gagawin niya ang lahat para mapabilis ang pagbibigay ng Certification Authorizing Regis­tration (CAR) para matapos na ang problemang ito. Ilan sa ating mga Register of Deeds ang lalabas sa linya ng kanilang tungkulin para tulungan ang simpleng pamilya na mga OFW’s sa kanilang problema. Kung tutuusin kundi dahil sa taong ito baka isang taon na hndi pa rin umuusad ang problemang ito. MABUHAY ka Atty Ben Torres sa mga ginagawa mong pagtulong sa publiko lalu na sa ating mga ‘bagong bayani.’

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

ARI

ATTY

BELLAGIO I

CORONA

KANYANG

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with