^

PSN Opinyon

Gaano kaligtas ang Pinoy sa sariling bansa?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

GAANO kaligtas ang Pilipino sa sarili niyang bansa? Ito ang tanong makaraang madiskubre ang bangkay ng isang babae na nasa loob ng kanyang sariling maleta at iniwan sa parking ng NAIA. Nakilala na ang babae. Isang OFW na kakauwi pa lang mula sa Bahrain. Kararating pa lang ng biktima nang maganap ang krimen. Sa madaling salita, sa airport pa lang ay may mga matitinding kriminal na nag-aabang ng kanilang magiging sunod na biktima!

Tiyak hindi ito magagawa ng isang tao lamang. Hindi magagawa ang pagdukot, pagpatay, pagnanakaw at pagsiksik sa sariling maleta nang walang tulong mula sa iba pang kriminal. At yung pinag-iwanan ng maleta sa paradahan, na hindi nasakop ng CCTV camera, ay pahiwatig na alam ng mga kriminal yung lugar. Alam kung saan maiiwan ang bangkay na hindi makukuhanan ng video. Siguro naman iniimbestigahan na ito ng PNP. Pero nakita na ng publiko na maaaring maging biktima sa pagbalik sa bansa.

Dapat ay may mga sumasalubong sa mga pauwi. Hindi naman kailangan may sariling sasakyan. Dapat lang ay may sumalubong na isa o dalawa para tulu-ngang makauwi kaagad at ligtas sa panganib. Alam kong marami sa mga OFW ay mga taga-probinsiya, kaya magastos ang masalubong pa sa Maynila. Pero katulad na nga sa kasong ito, na mukhang walang sumalubong dahil uuwi pa ng probinsiya, napahamak na. Napakalungkot, at nagpapakulo na rin sa aking dugo. Pauwi ang isang kababayan, tapos ganyan pa ang sasapiting tadhana!

Hindi rin ito maganda para sa imahe at turismo ng bansa. Sa panahon na pilit binabago ang lahat ng imahe ng bansa. Masama na nga ang imahe at reputasyon ng NAIA dahil sa maraming bagay, lugar pa ngayon ng pa-ngingidnap at tambakan ng patay! Paano magiging “More fun in the Philippines” kung sa airport pa lang, delikado na? Dapat yung terminal fee na kinokolekta ay napupunta sa mas matinding security para sa lahat ng pasaherong paalis at pauwi.

ALAM

BAHRAIN

DAPAT

ISANG

KARARATING

MASAMA

MAYNILA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with