^

PSN Opinyon

United ang madlang people

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAG – UNITE ang mga Pinoy kasama ang madlang people from abroad sa pagtulong regarding sa mga biktima ng bagyong Sendong na kumitil ng mahigit sa 1000 buhay ng ating mga kapatid from Cagayan de Oro, Iligan at iba pang probinsiya sa kabisayaan.

Halos malusaw ang pag-asa ng ating mga kababayan na naging biktima ng bagyong Sendong hindi lang buhay ang kinuha nito kundi winindang pa nito ang billion halaga ng mga ari-arian.

Sa nangyaring bagyo nakita ng madlang people around the world ang tulong na bumagsak sa mga pamilya ng mga biktima.

Sabi nga, dasal, pagkain, tubig, damit, kumot, sapatos, pantalon echetera ang dumagsa ng kumilos ang Sambayanan tungkol dito.

Hindi inalintana ng mga volunteer rescuer ang pa­nganib na sinuong nila para lamang makapag-hanap at mailigtas ang madlang people na biktima ni Sendong.

Sabi nga, lahat gumana para makatulong sa mga nangangailangan.

Mapa-bata o matanda, bungal o pustiso, pangit o pogi, matangkad o bansot, may baktol o wala nagkasama-sama ang mga ito para tumulong sa nakakagimbal na pangyayari na dinanas ng mga pinoy sa Philippines my Philippines.

Hindi lang naman kasi sa Philippines my Philippines nangyayari ang ganitong sakuna pasalamat na rin tayo kay Lord at ilang araw lang ay humupa na ang baha hindi tulad sa ibang country na up to now ay may baha pa rin sa kanilang mga lugar.

Kailangan ng dasal at pananalig kay Lord para maiwaksi ang mga delubyong maari pang dumating sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, magdasal tayo.

Amen!

May pera sa paputok

MILLION of pesos ang pitsa sa paputok na gagamitin ngayon Dec. 31 sa paghihiwalay ng taon.

Sabi nga, New Year’s Eve!

Kaya matindi ang kampanya ng gobierno tungkol sa paputok na kung puede lang ay iwasan na ito dahil nga, naman hindi ito biro.

Sabi nga, putok daliri, maka-bulag, mamatay at makasunog.

Sana makaiwas ang madlang people partikular ang kabataan sa paggamit ng fireworks lalo na ang mga mala­lakas pumutok na animo’y ‘atomic bomb’ kung sumabog.

Huwag tayong mag-aksaya ng pitsa dahil next year tiyak magtataasan ang mga presyo ng halos lahat ng bilihin partikular ang kuryente, tubig, gasolina, ulam, bigas, asukal echetera.

Ang kagandahan nga lamang sa susunod na taon ay medyo maglalabasan ang pitsa ng mga pulitiko dahil pusturahan na ito para sa susunod na May 2013 National Election.

Sabi nga, mag-aayusan!

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

HUWAG

ILIGAN

KAILANGAN

NATIONAL ELECTION

NEW YEAR

SABI

SENDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with