^

PSN Opinyon

Nagsimula sa P20K na puhunan KABERDE HYDROPONICS FARM

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang inspiring na buhay sa paghahalaman ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) na nagsimula lang sa libangan ang pagtatanim ngayon ay negosyo na nila ng kanyang pamilya.

Ang aking tinutukoy ay si Francis La Penia, owner ng Kaberde Hydroponics Farm na makikita sa Barangay Sinipit, Bongabon, Nueva Ecija.

Si Francis ay isang technician na nagtrabaho ng pitong taon sa Saudi Arabia bilang Office Secretary.

Ayon kay Francis, ang kanyang misis na si Rhea Lyn ang siyang unang nahilig sa pagtatanim ng lettuce at iba pang gulay na kanyang sinuportahan noong kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.

Sinabi ni Francis, nakita niyang nagtatanim ang kanyang misis sa kanilang nabiling residential property kaya lihim siyang gumawa ng DIY na green house na siyang pinagtamnan ng lettuce at iba’t ibang uri ng halaman.

Noong una ay pangkain lang nila ang kanilang inaani hanggang bumili sa kanila ang maraming kapitbahay, mga kakilala at mga kaibigan dahil fresh na fresh ang kanilang produce.

Sa tulong ng social media at unang nakatikim ng kanilang ani, at unti-unting lumaki ang taniman ng lettuce at iba pang gulay ng mag-aswang La Penia.

Sa halagang P20,000 lang ang kanilang green house, ngayon ay umaabot na sa mahigit sa P100,000 ang halaga at kinailangan nang iparehistro ang kanilang negosyo na pinangalanan Kaberde Hydroponics Farm.

Nag-expand na rin ng mga tanim ang mag-asawang La Penia, dahil pati strawberry, cherry tomato, mint at iba pa ay may tanim na rin sila.

Pahayag ni Francis, kung may sipag at tiyaga ay magkakaroon ng “nilaga”.

Patuloy na nagsaliksik si Francis sa pagtatanim at ang bawat positibong resulta na kanyang nalalaman ay ibinabahagi na rin niya sa iba.

Madalas nang imbitahan si Francis sa iba’t ibang seminar para gawing resource speaker tungkol sa Hydroponics method of farming.

Sa mga gustong maka-avail ng produkto ni Francis o gustong magpaturo sa kanyang pamamaraan ay i-follow at magpadala lang kayo ng mensahe sa kanilang fb page na Kaberde Hydroponics Farm or mag-text kayo at magpakilala sa 0919-862-52-37.

Iniimbitahan ni Francis ang lahat, lalo na ang mga kapwa dating OFW’s sa buong bansa,  mga kabataang estudyante,  magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kaniyang ginagawa.

Ngayong Linggo, November 17, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Francis sa kanilang farm sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with