^

PSN Opinyon

Solid waste management sa Bais City

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

Magandang pagkunan ng aral at inspirasyon ang epektibong sistema ng solid waste management sa Bais City, Negros Oriental. Ito ang napagkuwentuhan namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Ang Negros Oriental ay isa sa matinding hinagupit ng bagyong Sendong noong Disyembre 15 na nagdulot ng mga pagbaha. Sa pag-landfall ni Sendong, ang buong lalawigan ay nasa ilalim ng storm signal no. 2, dahil sa inasahan nang matinding hagupit ng bagyo na may bilis ng hangin na mula 60 hanggang 100 kilometro kada oras at pag-ulan na 10 hanggang 25 milimetro ang volume.

Sa kabila nito, hindi nasalanta ang Bais. Ayon sa mga eksperto at mga otoridad, ang pangunahing dahilan nito ay ang maayos na environmental management system sa lungsod laluna ang kanilang pangangasiwa ng basura. Masinop sila sa waste segregation o pagbubukud-bukod ng nabubulok (biodegradable) at hindi nabubulok (non-biodegradable).

Ang mga nabubulok tulad ng mga papel, karton, balat ng prutas at iba pa ay dinadala sa isang landfill kung saan ito ay dinudurog o pinipino, pinatutuyo at isinasailalim sa “decomposition process” na ginagamitan ng mga bulateng “African Nightcrawlers” upang maging mabilis at kumpleto ang pagkabulok ng basura. Ang produkto ng prosesong ito ay organikong fertilizer o pataba sa lupa para sa mga halaman.

Ayon kay Bais Mayor Karen Villanueva, napakahalaga ng produktong nakukuha sa waste management at ma­laking tulong din ito sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang sinuman na hindi makikiisa sa naturang programa at hindi magse-segregate ng kanilang basura ay pinagmumulta ng mula P300 hanggang P2,000.

* * *

Birthday greetings: Surigao Del Sur Rep. Jesnar Falcon at Bulacan Gov.Wilhelmino Sy-Alvarado (December 29); Zambales Gov. Hermogenes Jun Ebdane at South Cotabato Gov. Dr Arthur Dodo Pingoy Jr. (Dec. 30).

AFRICAN NIGHTCRAWLERS

ANG NEGROS ORIENTAL

AYON

BAIS CITY

BAIS MAYOR KAREN VILLANUEVA

BULACAN GOV

DR ARTHUR DODO PINGOY JR.

HERMOGENES JUN EBDANE

JESNAR FALCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with