^

PSN Opinyon

Laganap ang pasugalan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAY katwirang magyabang si alyas Arnold, ang financier ng color games sa peryahan sa Scorpion St., Palar Village, Taguig City. Ayon kay Arnold, hindi raw magalaw-galaw ang dalawang mesa niyang color games dahil kumpleto naman ang lingguhang intelihensiya niya sa Southern Police District, sa Taguig police at sa barangay. Ang pasugalan ni Arnold ay nasa tapat ng Palar Memorial Elementary School kaya ang karamihan sa mananaya sa color games niya ay mga estudyante. Nasa tapat din ito ng barangay hall ni Chairman Eddie Reyes at malapit din sa PCP ng Station 8 na ang hepe ay si Insp. Calyaen.

Bakit kaya pinayagan ni SPD director Chief Supt. Jose Arne de los Santos ang color games ni Arnold na sa harap mismo ng eskuwelahan? Inuna pa ni De los Santos ang bulsa niya kaysa sa kapakanan ng mga estudyante? Pero hindi lang si De los Santos ang dapat sisihin sa peryahan ni Arnold dahil maging si Chairman Reyes ay inutil din. Dahil ba sa kinang ng pitsa ni Arnold, Chairman? Ito namang si Calyaen ay masabi kong sunud-sunuran kay De los Santos.

Makakapalag kaya si Calyaen kay De los Santos? Hindi!

Kung sabagay, hindi lang si Arnold ang namamayag-pag sa ngayon sa Metro Manila kundi maging ang iba pang operator ng perya. Panahon kasi ng Christmas kaya nag­lilipana ang mga pasugalan sa Metro Manila at kasama na riyan ang peryahan na karamihan ay may color games. Bakit kaya hindi masawata ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang pasugalan sa buong bansa?

Sa Bulacan, ang mga peryahan na me color games ay matatagpuan sa Sto. Niño na ang operator ay si   alyas Jeng; sa Kaingin ay si Rodel; Bayugo ay si Rod; sa Meycauayan ay si Jessical; Sta. Ines ay si Nora; sa Plaridel ay si Anita at sa Garay ay si Andy.

Siyempre, hindi magbubukasan ang peryahan sa Bulacan kung walang basbas ng police provincial director. May panahon pa si Bartolome at iba pang opisyales ng PNP para sibakin ang peryahan na salot sa bulsa ng mga kabataan.

Abangan!

ARNOLD

BAKIT

CALYAEN

CHAIRMAN EDDIE REYES

CHAIRMAN REYES

CHIEF SUPT

JOSE ARNE

METRO MANILA

NICANOR BARTOLOME

PALAR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with