^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Turismo'y nawawasak dahil sa pangingidnap

-

MAGANDA ang Pilipinas. Maraming lugar na kaaya-ayang pasyalan at makapigil-hininga ang mga tanawin. Maraming malilinis na beach resort sa Batangas, Camarines Sur, Mindoro, Boracay at marami pa. Ang kamanghang-manghang rock formation sa underground river sa Puerto Princesa, Palawan, na makakabilang sa seven wonders of the world.

Subalit ang mga magagandang tanawin at pas-yalan ay naisasantabi at maaaring hindi puntahan kung ang buhay naman ay manganganib. Hindi na bale hindi mapuntahan ang mga lugar huwag lang malagay sa peligro ang buhay. Maaari namang pumunta o bumisita sa ibang lugar na tahimik at walang panganib na makidnap. Bakit isasapalaran ang buhay kung mayroon namang tahimik na lugar na maaaring puntahan?

Tatlong South Koreans businessmen ang kinidnap sa Lanao del Sur noong Lunes at hanggang ngayon ay nananatiling hawak pa ng mga kidnaper. Ang tatlong Korean ay nasa Lanao del Sur para i-check ang mining deposits sa lugar. Nanggaling sa Cagayan de Oro ang Koreans at noon pang Oktubre 21 namamalagi sa Lanao del Sur. Hanggang sa mapabalita na kinidnap umano ito ng isang grupo at humihingi ng ransom money. Ang grupong kumidnap ay sangkot sa extortion at carjacking sa Lanao del Sur. Hindi ito ang unang pagkakataon na may mga kinidnap na Korean sa Lanao del Sur. Noong March 2008 isang negosyanteng Korean ang kinidnap at pina­kawalan makaraang magbigay ng ransom.

Nasisira ang turismo dahil sa walang tigil na pangingidnap. Maraming dayuhan ang matatakot magtungo rito sapagkat maaaring makidnap. Mas matindi na baka patayin ang bihag kapag hindi nakapagbigay ng ransom.

Kabilang pa sa mga dayuhang kinidnap ay ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham na kinidnap ng Abu Sayyaf sa Palawan noong 2000. Napatay si Martin nang i-rescue at nailigtas si Gracia. Isa pang dayuhan na pinugutan ay si Guillermo Sobero.

Paigtingin ng mga maykapangyarihan ang pagbibigay ng seguridad sa mga dayuhan. Magkaroon pa ng sapat na ngipin at kamay na bakal ang pamahalaan para madurog ang mga kidnapper na ang target ay mga dayuhan.

ABU SAYYAF

CAMARINES SUR

GRACIA BURNHAM

GUILLERMO SOBERO

LANAO

MARAMING

NOONG MARCH

PALAWAN

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with