Ano ang sintomas ng cancer sa obaryo?
Karaniwan na hindi kinakikitaan ng sintomas kapag nasa early stage ang cancer na ito. Lumalabas lamang ang mga sintomas kapag nasa malubha nang kalagayan. Magkakaroon ng abnormal na pagdurugo sa ari (vagina), may masasalat na tila namumuong laman sa pelvis at nagbabago ang bowel habit.
Ang namumuong laman ay made-detect kapag isinailalim sa routine physical examination ang pasyente. Fifty percent ng tumor ay hindi nade-detect at makikita lamang kapag nasa advanced stage. Nakakalat na ang cancer sa mga bahagi ng ovaries at hindi na ito maaaring operahin pa.
Hindi malaman ang dahilan kung bakit nagkakaron ng cancer sa obaryo subalit ipinaaalala na iwasan ang madalas na pagpapa-x-ray sa bahaging pelvis at abdomen. Nararapat na may protective shield ang bahaging pelvis at abdomen para maiwasan ang radiation exposure.
Operasyon ang kadalasang rekomendado sa cancer sa obaryo. Aalisin ang ovaries, uterus, fallopian tube, at mga kulani (lymph nodes) na nakapaligid. Ang radiation theraphy at chemotheraphy ay maaaring isagawa para malipol ang mga natitirang cancer cells.
- Latest
- Trending