^

PSN Opinyon

Blusang itim

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

DI na maabot! Halos araw-araw, naririnig ang tuksong ito sa kaibigan at kapamilya ng mga nalalagay sa puwesto. Siyempre, may halong biro. Pero ang pinagmulan ng kasabihan ay ang katotohanan na marami sa nabibigyang katungkulan ay nababago ng kapangyarihan.

May mangilan-ngilang ding sinusuka ang anumang pribilehiyo ng pagiging opisyal; matatagpuan pa rin sila sa ilang tanggapan ng gobyerno. Subalit sila’y nasa minorya. Ang malaking mayorya, parang nasuutan ng blusang itim na nababago ang anyo o di kaya’y nalalantad ang tunay na katauhan.

Wangwang mentality – tugmang paglarawan sa kaba­liwang ito. Ang biglaang paniwala na ika’y may K. Ang biglaang pagkalimot na wala ka naman talagang K kung hindi ang tiwalang pinagkaloob ng taumbayan. Wangwang nga ang isa sa pinakagarapal na halimbawa ng pang-abuso ng serbisyo publiko.

Napakaganda ng simbolismo ng pagtalikod ni P-Noy sa mga luho ng puwesto, bagay na hindi magawang tularan ng kanyang opisyal na pamilya. Ang pinakahuling Horror Roll, next batch sa nauna nang sumikat na Torres, Puno, Diokno: Ang walang pakundangan at walang pag-iingat na pagdala ng mamahaling mga baril gaya na lang nitong si Presidential Adviser Ronald Llamas (Kabarilan); ang katulad daw ni Sec. Imelda Nicolas (Kaibigan) na hindi nirespeto ang mga patakaran sa airport para sa karaniwang pasahero; at ang mahiwagang mataas na opisyal ng pamahalaan na napabalitang pinagalitan daw ni P-Noy dahil tumanggap ng malaking halaga mula sa dayuhang investor.

Nang tanungin si P-Noy sa umpisa ng kanyang termino kung hindi ba puwedeng pagbigyan na lang ang mga naabutang appointee ni GMA, lumitaw ang pagkaselan ng paniwala nang sabihin niyang nababastos ang pagkadisente ng mga may kahihiyang magbitiw.

Sa mga huling kaganapan sa gabinete, malinaw na hindi lahat ng kanyang official family ay kasing disente niya. Kung hindi siya kumilos agad ay lalabas siyang naiisahan o pilit nagpipikit mata. Higit sa lahat ay mapatotohanan ang paratang na may double standard si P-Noy.

Tiklop ang kampanyang tuwid na daan kapag may express lane para sa KKK.

DIOKNO

HIGIT

HORROR ROLL

IMELDA NICOLAS

P-NOY

PRESIDENTIAL ADVISER RONALD LLAMAS

WANGWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with