^

PSN Opinyon

Panawagan kay Bartolome

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MARAMING nagugutom sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyong Pedring at Quiel. Alam n’yo bang ang mga ahas, daga at pagong ay naging panawid gutom na nga-yon sa Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija? Hindi naman kayang tustusan ng admistrasyon ni P-Noy ang pagkain ng libu-libo mamamayan, kaya gumagawa sila ng paraan para magkalaman ang kanilang mga sikmura. Marami kasing ahensya ang pansamantalang ipinatigil ang paglabas ng budget kaya lalong lumobo ang magugutom sa hinaharap. Katulad na lamang sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos matuklasan ang sobrang “tongpats” na kinulimbat umano ng nagdaang administrasyon. At dahil nga sa walang project ang DPWH maraming kababayan ang mawawalan ng hanapbuhay. Itinigil na rin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang pagsuporta sa mga charitable institution kaya maraming maysakit ang mamamatay dahil sa kakapusan ng gamot. Ang mga naka-confine sa mga ospital tiyak na lulumutin sila sa loob ng ospital dahil hindi na nila mababayaran ang hospital bills.

Ang patuloy na pagtaas ng petroleum products ang lumulumpo sa mga drayber, magsasaka at mangingisda. Sa ngayon milyon na ang walang hanapbuhay dahil mara-ming kompanya ang nagsara dahil sa taas ng kuryente at tubig. Lumipat ang mga ito sa China, Korea at Taiwan dahil mura roon ang pasahod sa mga trabahador. At dahil maraming Pinoy ang walang trabaho at nagugutom tiyak na lolobo na naman ang krimen. Dito masusukat ang abilidad ni PNP chief P/Dir. Gen Nicanor Bartolome.

Noong Huwebes, pinasok ng Martilyo Gang ang isang jewelry store sa may C. M. Recto, Binondo, Manila na kung saan natangay ang milyong halaga ng mga alahas. Bagamat may namatay na kawatan sa ilang minutong palitan ng putok ng baril mula sa mga security guard at rumesponding pulis ng MPD ay nagtagumpay pa rin ang mga kawatan na makatakas. Ang masakit maraming sibilyan ang nadamay ng maghagis ng granada sa kalye ang papatakas na mga Martilyo gang. Hindi naman dapat sisihin ng mga pulis ni MPD director Roberto Rongavilla dahil nasopresa lamang sila ng araw na iyon.

Maging si Supt. Ferdinand Quirante ay hindi makapaniwala sa pagsalakay ng Martilyo Gang sa kanyang nasasakupan. Abala nga ba siya sa pagsaayos ng “para-ting” ng sidewalk vendors sa kanyang lugar? At karamihan sa mga pulis niya ay nagpapahinga dahil sa kaluluha sa kapapanood ng telebisyon kaugnay sa baha. Kapos pala ang gasolina ng mga Mobile Patrol Cars ng MPD dahil pitong litro lamang ang allocation kaya hindi nakarating agad sa lugar. General Bartolome, asikasuhin mo ang kakulangan ng mga pulis para agad silang makaresponde sa nangyayaring krimen. Abangan.

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FERDINAND QUIRANTE

GEN NICANOR BARTOLOME

GENERAL BARTOLOME

MARTILYO GANG

NOONG HUWEBES

NUEVA ECIJA

PATROL CARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with