^

PSN Opinyon

May ligtas na lugar pa ba?

- Al G. Pedroche -

KUWENTO ito ng kaibigan kong pastor na si Ferdinand-Rayo. Mahirap na raw unawain ang mga nagaganap na krimen ngayon. Yun bang makuha lang ang gusto ng isang kriminal ay papatay nang walang habag at walang habas.

Ani Pastor: “Salaysay ito ng isa kong kaibigan na sumakay ng jeepney kasama ang isang kaibigan sa may Ortigas kamakailan. Kaunti lang ang mga pasahero: Lalaki at babaeng magkayakap; isang matandang babae; sila at; yung driver. Sa may likuran sila nakaupo. Yung magkayakap ay nasa dakong unahan ng jeep sa tabi ng driver. Nakasandal ang babae sa lalaki na parang natutulog habang tila nakaakbay ang lalaki. Yung matandang babae ay nasa bandang gitna.

Pinakikiusyo na nung kaibigan ko ang bayad sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang ang nag-abot sa driver. Napansin nila ang masamang tingin ng driver sa kanila. Medyo nagtataka na din sila. Di kawsasa’y sinabi sa kanila nung matanda na bumaba na sila. Lalu silang naguluhan at kinabahan. Hindi na sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep kasunod ng matandang babae.

Pagkababa sa jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi raw mag-asawa o magkasintahan yung dalawa. Kaya umano nakasandal ang babae sa lalaki na nakayakap sa kanya ay may nakasaksak kay ate na ice pick.

 Napansin daw ng matandang babae na medyo na-ngingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din siguro masama ang tingin ng driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba.

Nakakatakot iisipin kung isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sa panahon ngayon, hindi ka na maka-kasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang tatagal ang buhay mo. Nakatatakot lalo na kung gabi. Kaya paalala lang sa mga madalas bumiyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan. “

Maraming salamat sa naibahagi mong di pangkaraniwang istorya Pastor.

ANI PASTOR

BABAE

BUTI

HANGGA

KAYA

MATANDANG

NAPANSIN

SILA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with