^

PSN Opinyon

'Huwag na tuy!'

- Tony Calvento -

NOONG IKA-16 ng Setyembre nailathala namin ang reklamo ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia. Sila Francis Isip at Darryl Garcia.

Sinalaysay ng kanilang ina na sina Violeta Isip at Leonora Garcia, nagsadya sa aming tanggapan upang ihingi sila ng tulong.

Ito ay ang panununtok… pagtutok ng kutsilyo ng kanilang ‘employer’ na si Abdul Aziz Alhagbani. Maliban pa diyan sagad silang pagtrabahuhin. Mahigit 12 oras.

Unang beses naming nadinig ang tinig ni Francis ng tumawag siya sa aming programa sa radyo “Hustisya para sa Lahat” ng DWIZ882KHZ noong Setyembre 21, 2011.

Reklamo nitong si Francis hindi nasunod ang nakasaad sa kontrata na kanyang pinirmahan na siya ay magtatrabaho bilang ‘waiter’ sa isang ‘restaurant’. Ginawa raw siyang ‘driver’ at halos lahat na lang pinagagawa na sa kanya.

Sinabi niya sa kanyang ‘employer’ na gusto niya mag-‘resign’ at umuwi na siya sa Pilipinas. Ang sagot sa kanya ay bayaran muna niya lahat ng nagastos sa pagpapunta sa kanya.

Nakausap din namin ang katrabaho ni Francis na si Arthur Eden, taga Pangasinan. Pareho sila ng reklamo.

“Hindi ko alam kung ‘service crew’ o taga linis ako ng bahay,” sabi ni Arthur.

Halos walang silang pahinga dahil pag-uwi nila ng bahay ginagawa silang ‘Tsimoy’.

“Kapag madumi ang bahay, ‘salary deduction’. Lagi kaming pinapagalitan. Pati ‘day-off’ binabawasan tapos pinapa-‘cancel’ pa,” dagdag ni Arthur.

Kahit sa kahimbingan na ng tulog nina Arthur ay ginigising pa sila para lang paglinisin.

Kawawa ang mga kababayan natin na nade-distino sa malalayong lugar sa labas ng Syudad ng Saudi.

Inaapi sila…sila’y nagdurusa subalit wala silang mahingian ng kanilang hinaing. Bukod sa wala silang mapagsabihan ng kanilang problema, pinagmamalupitan sila ng kanilang amo hindi rin sila nakakalabas ng kanilang bahay.

“Gusto ng tumakas ni Darryl, dahil disperado na ito. Kahit anong pigil namin sa kanya makikipagsapalaran na lang daw siya kesa maiwan sa mala-empyernong bahay na kanilang pinagsisilbihan,” sabi ni Francis.

Walang tigil sa paghahanap ng solusyon ang mga magulang nitong ating mga OFW’s. Halos lahat na yata ng tanggapan ng gobyerno ay kanilang nilapitan kaya’t naisipan nilang pumunta sa aming tanggapan sa CALVENTO FILES.

Bilang tulong kami’y nakipag-ugnayan sa Department of Fo­reign Affairs (DFA) kay Undersecretary Rafael Seguis.

Nakapanayam namin sa radyo si Usec. Seguis noong Set­yembre 21, 2011.

Kahit siya ay nasa isang ‘Official trip’ sa Baghdad, Iraq ikinwento namin ang sitwasyon ng ating mga kababayan. Hiniling namin sa kanya na tingnan ang kanilang kalagayan. Kung maari ay kausapin din ang ‘employer’ at mamagitan ang ating embahada sa Saudi para ang mga ito’y mapauwi na.

Tinanong din namin kung ano ang magandang gawin dahil tatlong buwan pa lang sila Francis doon.

Pinangako ni Usec. Seguis na aaksyunan niya ang problemang ito. Paiimbestigahan niya ang ‘agency’ na nagpaalis kay Francis at Darryl. Ang Testman General Services Incorporated.

Sa ngayon, ‘for appropriate action’ na ang kaso nina Francis at Darryl. Setyembre 23, 2011, isang araw ng matapos namin kapanayamin si Undersecretary Rafael Seguis.  Tumawag muli sa amin si Francis. Ipinaalam niya na tinawagan siya ni Post Rep. Ferrer mula sa Philippine Embassy ng Riyadh.

Tinanong si Francis kung ano na ang kanilang kalagayan doon. Ipinagtapat niya ang lahat.

Nang parehong araw nakatanggap kami ng ‘e-mail’ mula sa Third Secretary and Vice Consul na si Roussel Reyes.

Ito ay tungkol sa problema ni Francis at Darryl. Ayon sa ‘e-mail’, June 20, 2011 dumating si Francis sa Riyadh, Saudi Arabia. Nagtatrabaho para sa ‘Kudo Restaurant’.

Idinetalye sa report ni Consul Reyes na tugma ang kanilang imbestigasyon ang lahat ng ipinaabot sa amin nila Francis at Darryl.

Ini-‘refer’ na ang kaso nila Francis at Darryl sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) Riyadh. Siniguro ni Consul Reyes na gagawan ng aksyon ang reklamo nina Francis at Darryl. 

Tinanong namin si Francis na kung maayos ng POLO at DFA ang kanilang ‘working conditions’ ay gusto pa ba nitong magtrabaho doon?

Isang maigting na sagot ni Francis, “HUWAG NA TUY!” (KINALAP NI SHERYL SANTILLAN)

Sa gustong dumulog ang aming numero, 09213263166 o sa 09198972854. Ang landline ay 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Email address: [email protected].

vuukle comment

CONSUL REYES

DARRYL

FRANCIS

KAHIT

KANILANG

LSQUO

NAMIN

RIYADH

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with