^

PSN Opinyon

Flight stewardess, 16 na oras hinawakan ang nasirang pintuan ng cr ng eroplano!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang flight stewardess ng eroplanong may biya­heng Hong Kong to New York ang 16 na oras hina­wakan ang natanggal na pintuan ng comfort room ng eroplano!

Nag-viral kamakailan ang litrato ng flight stewardess­ ng Cathay Pacific kung saan makikitang hawak niya ang sirang pintuan ng eroplano. Ayon sa report, tatlong minuto pa lang matapos mag-take off ang flight CX840 sa Hong Kong International Airport nang biglang kumalas ang bisagra ng pintuan ng CR.

Sa ibang mga kumalat na litrato, makikita na pinag­tulung-tulungan pang ayusin ng mga cabin crew ang pintuan pero hindi na nila magawang maikabit ito. Hindi malinaw kung may gumagamit ng CR habang natanggal ito at wala rin makapagsabi kung bakit ito nasira.

Dahil bigong maikabit ang pinto, nagpasya ang mga cabin crew na hawakan na lang ito ng isa sa kanila upang hindi ito gumalaw. Delikado kasing makasira at makasakit ito sa mga pasahero sa oras ng turbulence at pag-landing nila sa New York.

Makikita sa litrato na isang babaing cabin crew ang nakabantay at nakahawak sa sirang pintuan habang nakaupo sa kanyang upuan.

Sa kabila ng insidenteng ito, safe na naka-landing ang flight CX840 sa JFK Airport sa New York at walang napaba­litang naging sanhi ng problema ang sirang pintuan.

Ayon sa nilabas na statement ng na­turang airline, naayos na ang sirang pintuan at pina-iimbestigahan nila sa engineering team ang sanhi ng pagkasira nito. Humingi rin sila ng paumanhin sa mga pasaherong na­apektuhan nito.

FLIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with