^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Baklasin din streamers ng mga politician

-

PAGKATAPOS ng kampanya sa “No Smoking” ang pagbaklas naman sa mga seksing billboards ang inaatupag ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Kamakalawa ay marami nang nabaklas na billboards sa EDSA ang MMDA at pinangasiwaan pa mismo ni Chairman Francis Tolentino ang pagbabaklas sa billboards. Unang binaklas ang billboard ng mga kalalakihang naka-brief. Malaswa raw. Nakikita raw lagi ng mga bata ang mga nakabukol na “ari”. Kamakalawa, ay ang billboard naman ni Angel Locsin at Phil Younghusband ang binaklas. Masyado raw sexy ang suot ni Angel na nagpapakita ng hita sa slit ng suot na damit. Isa pang “bastos” na billboard ng babae at lalaki na naka-underwear ang binaklas ng MMDA. Biglang nagliwanag sa EDSA dahil sa pagkakatanggal ng mga “bastos” na billboard.

Maganda at makabuluhan ang ginagawa ng MMDA. Sana ay ipagpatuloy ang pagbaklas sa mga inaakalang “bastos” na billboard para naman hindi malason ang isipan ng mga kabataan at iba pang kalalakihan. Katulad ng kampanya nila na nagbabawal sa paninigarilyo, dapat magtuluy-tuloy din ang kampanya sa mga “malalaswang” billboards. Hindi lamang sa EDSA sila mag-concentrate kundi maging sa C-5 Road.

Mas matutuwa naman ang mamamayan kung pati ang mga banner o streamers ng mga pulitiko ay babaklasin na rin ng MMDA. Maraming nakasabit na kung anu-anong banner ang mga pulitiko at halata namang namumulitika na sila para sa 2013 elections. Makikita ang mga streamers at banner ng mga pulitiko sa Quezon City particular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Mindanao Avenue. Karamihan sa mga nakasabit na posters ay karaniwang bumabati ng Happy Fiesta, Happy Graduation at maaaring sa mga susunod na araw ay Merry Christmas na ang ilalagay ng mga pulitiko. Marami ring nakasabit na streamers sa Caloocan City. Ang mga tarpaulin na ginagamit ng mga pulitiko kapag nilipad ng hangin (lalo na kapag may bagyo) ay maaaring maging dahilan pa ng pagbaha. Magbabara ang mga ito sa kanal.

Kung talagang may political will ang chairman ng MMDA, ang mga streamers naman ng mga pulitiko ang kanyang baklasin.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMONWEALTH AVENUE

HAPPY FIESTA

HAPPY GRADUATION

KAMAKALAWA

MERRY CHRISTMAS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with