^

PSN Opinyon

'Mga inumin at pulutan!'

- Tony Calvento -

Kapag hindi mo inilagay sa iyong tiyan ang tama ng alak, sasapian ka ng espiritu ng demonyo! 

NAKAPAIKOT ang mga manginginom sa mesa kung saan inaabot ng tanggero ang tagay. Pinagsasaluhan ang masarap na pulutan. May kainuman silang babae na itatago natin sa pangalang “Sandra”.

Lasing na umano itong si Sandra . Alas dos na ng madaling araw.

Itinabi ito ng isang lalake sa papag. Hinubad niya ang blusa ni babae. Hinipu-hipo ang dibdib niya. Tinanggal ang suot na maong na pantalon maging ang itim nitong ‘panty.’

Nanggigil na itong lalake at mabilis na pinatungan itong si Sandra na lango na sa alak. Gigil na pinwersang ipinasok ang ari niya sa ari ng dalaga. Tumagal din ang kanyang pang-aabuso sa walang labang babae.

Pagkatapos niya meron pang sumunod na ibang lalake. Walang nagawa ang dalaga. Alam niya ang mga nangyayari subalit sa kahinaan dala ng alak wala siya umanong magawa.

“Hindi yan totoo! Hindi naman iyan magagawa ng anak ko!” sabi ng ama na inakusahan na gumawa ng kahalayan.

Kumatok sa aming tanggapan si Jimmy Jalandoni, 59 taong gulang ng Bagong Silang, Caloocan. Hindi man makakita dahil sa kapansanan sa mata nagtungo pa rin siya sa amin upang humingi ng tulong.

Ikinuwento sa amin ni Jimmy ang gusot na kinasangkutan ng anak noong ika-28 ng Marso 2011.

Biyernes ng hapon ng mapadako si Jimmy sa kwarto ng anak na si Christopher James Jalandoni o 'Popet'. May kausap ito sa telepono. Ayon sa narinig ni Jimmy iniimbitahan si Popet ng kausap sa kabilang linya at sinabi ng anak na pupunta daw siya.

“Nag-igib siya ng tubig at naligo. Nagpabango pa nga yun e. Umalis na agad. Hindi na nagpaalam sa akin. Hindi naman talaga ugali nun ang magpaalam,” sabi ni Jimmy.

Isang inuman sa ‘Paniquis furniture shop’ ilang bloke ang layo mula sa bahay nila Popet ang pinuntahan daw niya. Siya ay isinama dito ng kaibigang si Jepoy.

Bandang alas 4:00 ng hapon ng magsimula ang kasiyahan. Maya-maya pa ay dumating ang isang dalagang may mahabang buhok, maputi, balingkinitan ang katawan at maganda. Itinago namin siya sa pangalang ‘Sandra.’

Sa inumang iyon nagkakilala sina Popet at Sandra. Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa malasing ang karamihan sa kanila.

Pagdating ng alas siyete ng gabi napansin ni Popet na natutulog na si Sandra sa kinauupuan dahil sa kalasingan. Sinabihan niya ang dalaga na siya na ang maghahahatid dito pauwi. Tumango naman si Sandra.

Naglakad na sila papalayo sa mga nagiinuman. Pagdating sa Phase 2 ay pumara na ng ‘tricycle’ itong si Popet. Bigla namang sinabi 'di umano ni Sandra na hindi pa siya uuwi. Sasama daw siya sa lalaki kahit saan.

Tinanong niya kung bakit ayaw pa nitong umuwi. Basta daw sasama siya kahit saan, si Popet daw ang bahala.

Naisipan niyang dalhin si Sandra sa bahay ng kaibigang si Ricky Atisado o ‘Iking’ sa Phase 4. Pagdating nila doon ay naabutan nila si Iking at dalawang lalaki na nagiinuman. Nakipagtagayan ulit di umano sina Popet at Sandra. Matapos ang dalawang ‘shot’ ay umayaw narin sila.

Nahiga na sila sa papag upang magpahinga. Umalis naman si Iking upang ihatid ang mga bisita sa labasan. Naiwan doon sina Popet at Sandra. Pagbalik ni Iking isang mainit at maaksyon daw na eksena ang kanyang naabutan.

Ngunit lahat ng ito ay kabaligtaran ayon sa salaysay ni Sandra. Ginahasa daw siya ng dalawang magkaibigan.

Nakakulong ngayon sina Popet at Iking sa Caloocan City Jail.

Inirereklamo naman ni Jimmy ang mga postponement na nangyayari sa pandinig ng kaso ng kanyang anak.

“Kahit sa ‘pre-trial’ hindi natutuloy dahil hindi pagpunta ng kabilang panig. Hindi naman tama yan kasi ang nakakulong ang anak ko na wala naman kasalanan,” reklamo ni Jimmy.

Naisipan ni Jimmy na lumapit sa aming tanggapan para maidulog ang problema ng kanyang anak.

Itinampok namin dito sa CALVENTO FILES sa radyo ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon) ang istorya ni Popet.

Para sa reklamo niyang panay ang postpone ng hearing ini-refer namin siya sa City Prosecutor’s Office kay Chief Ferdinand Valbuena upang matulungan .

Pinayuhan din namin si Jimmy na mag-‘file’ ng ‘Motion for Speedy Trial” para mas mapabilis ang mga paglilitis. Kailangan nila rin ang tulong ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Kalookan para gumawa ng motion na ito.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, napakahirap para sa isang babae na magreklamo tungkol sa panggagahasa sa kanya. Marami ng mga desisyon sa “resolutions ng prosecutors” at “promulgations ng mga hukom” na nagsasabi na mahirap para sa isang babae ang magagawa-gawa ng kwento ng rape lalo na’t sila ay makakaladkad sa isang paglilitis kung saan ang mga mapanghusgang mga mata ng publiko ay nakatitig sa kanila na para bang sila ang may kasalanan at ginusto nila ang nangyari sa kanila.

Lalo na sa kaso nitong si Sandra kung saan dalawa pa umano ang nanghalay sa kanya.

Kung wala naman talagang kasalanan ang akusado at kung hindi sumisipot ang nagrereklamo sa mga pagdinig maaring ma-dismiss ang kasong ito.

Kung totoo nga na ilang “hearings” hindi sumisipot sina Sandra, ang Public Attorney ay maaring hilingin ng ‘provisional dismissal’ ng kaso.

Ang ibig sabihin nito na meron hanggang anim na buwan para sumipot ang nagrereklamo samantala ang akusado naman ay dapat palayain.

Kung maluwag naman ang hukom maaring hinding ang “outright dismissal” ng kaso dahil sa paulit-ulit na hindi sumisipot ang umano’y biktima at mga partido nito.

NAAWA KAMI kay Jimmy, ama nitong si Popet. Sa edad ng yan at sa kapansanan na kanyang dinadala hindi makatarungan na bigyan siya ng ganitong problema ng kanyang anak. Dapat nga si Popet ang nag-aalaga sa kanya at siste ang ama pa ang pakapa-kapang lumalapit para makahingi ng tulong para sa kanyang anak! Hindi talaga matitiis ng isang magulang ang anak!

 (KINALAP NI THEA VITO)

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Ugaliin makinig ng “Pusong Pinoy” kasama si Atty Joy Rojas II, ang General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) tuwing Sabado alas siete hanggang alas otso ng umaga sa DWIZ 882Khz sa AM band.

* * *

Email address: [email protected]

ANAK

PAGDATING

PARA

POPET

SANDRA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with