^

PSN Opinyon

Nasaan ang mga pulis, Gen. Purisima?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

WALANG kamandag si National Capital Region Police Office chief Alan Purisima para protektahan ang publiko. Ito ang matunog na kantiyaw ng ilang makakati ang dila sa Philippine National Police. Kamakailan kasi isang babaing nakilalang si Cheryl Agnes Sarmiento ang walang awang tinambangan ng mga naka-jacket na itim at bonnet na kalalakihan sa Commonwealth corner Regalado Avenue, North Fairview, Quezon City. Sa kasamaang palad walang pulis na nakita sa naturang lugar nang mangyari ang pa­nanambang na dati-rati ay may nakatambay na mobile car dahil matao at may isang mall doon. Nasaan kaya ang pulis ni Supt. Pedro Sanchez ng mga sandaling iyon. Mukhang may mas mahalaga pang inaasikaso ang mga tauhan ni Sanchez kaya inabandona ang puwesto na sinamantala ng mga kriminal.

Kinaumagahan naman isang malagim na pagpatay sa isang babae rin na nakilalang si Teresita Teano na matapos barilin ng dalawang beses ay sinagasaan pa ng carjackers. Nasaan na naman kaya ang mga pulis nang mangyari ang krimen?

Ang masakit, nakatutulig ang paliwanag ni QCPD director Chief Supt. George Regis sa pag-amin nito na nagkaroon ng lapses ang kanyang mga tauhan. Mukhang may kalalagyan si Regis, dahil kung talagang may kamandag pa si Purisima tiyak na ilalagay muna niya sa floating status ang mga opisyales na ito upang mabigyan ng malayang imbestigasyon sa pangyayari. At siyempre upang maging daan ito na ang lahat ng mga opisyales ng pulis sa Metro Manila ay maging alerto sa kanilang nasasakupan. Madali kasing sabihin na namalik-mata lamang sila sa natu­rang krimen dahil sa totoo lang ito ang ina­abangan ng mga kriminal. Ika nga sa kasabihan “If the cat is away the mice will play” at iyan ang nangyari nang patayin ang dalawang babae.

Halos mapatid ang litid sa leeg ni Purisima ng kanyang pulungin ang lahat ng mga District Director sa Metro Manila noon bago magbukas ang eskuwela. Pa-impress lang kaya ito? Ngunit mukhang malaking paghamon ito sa kay Purisima na dapat niyang harapin dahil kung patuloy na magpa-tumpik-tumpik ang kanyang mga opisyales tiyak na mawawala ang tiwala ng taumbayan. At idagdag ko pa na dapat harapin ni Purisima ang pamamaril ni PO3 Odelton Lalu sa abogadong si Atty. Geronimo Fernandez noong Sabado ng madaling-araw sa Everglades St., Park Homes Subdivision, Barangay Tunasan, Muntinlupa City. Lumalabas na lasing si Lalu ng mangyari ang pamamaril. Ang isa pang dapat na paim­bestigahan ni Purisima ay ang pambubugbog ng isang pulis Crame na nakilalang si Major Michael Garcia sa Navotas, Ayon sa sumbong na nakara­ting sa akin, naglalakad umano si Garcia na pasuray-suray at ng masalubong ang isang lalaki ay pinagsasampal ito at hindi pa nakuntento ay binitbit at isinakay sa kanyang sasakyan at itinapon sa Smokey Mountain.

Calling PNP chief Raul Bacalzo­, pakiimbestigahan nga po ito! Abangan!

ALAN PURISIMA

BARANGAY TUNASAN

CHERYL AGNES SARMIENTO

CHIEF SUPT

DISTRICT DIRECTOR

EVERGLADES ST.

METRO MANILA

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with