^

PSN Opinyon

Pumili nang tama

DURIAN SHAKE -

NASA mga kamay na ngayon ni President Aquino ang kahihinatnan ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) pagkatapos aprubahan ng Senado at ng Lower House ang pagpapaliban ng halalan. Sa 2013 na isasagawa na dapat sana ay sa darating na Agosto 8.

Sa kabila ng malawakang oposisyon ay nagtagumpay pa rin si Aquino sa panukala nitong isabay na sa isang synchronized elections sa 2013 ang ARMM dahil nga sa kagustuhan nitong maisaayos ang kinakailangang reporma sa rehiyon.

Ngunit higit pa sa hamon na maipasa ng Senado at Kongreso, ngayon ay may mas mabigat na tungkulin si Aquino at kailangan niyang pumili nang tama kung sino ang itatalaga niyang maging mga officer-in-charge sa ARMM lalo na’t hanggang Setyembre 30 lang ang kanilang termino.

Kailangang ang pipiliin ni Aquino na itatalagang OIC sa ARMM ay iyong mga karapat-dapat at katanggap-tanggap sa mga residente ng rehiyon. Dahil pag mali yong mga mapupusuan ni Aquino na maging OIC, sila rin ang magdadala sa tuluyang pagbagsak ng ARMM.

Ang susunod na 22 buwan ay kaabang-abang dahil saka lang makikita kung anu-ano ang mga repormang nais isakatuparan ni Aquino sa ARMM at kung maayos nga ba itong maimplementa.

Totoong hindi naging maayos ang pagpatakbo ng ARMM. Ito ay naging gatasan ng mga ganid na pulitiko gaya ng mga Ampatuan na walang ginawa kundi nilustay lang ang pondo ng ARMM at walang napupunta para sa mga mamamayan nito.

Totoong sa mga nagdaang taon simula nang na-establish ang ARMM ay hindi ito naging isang epektibong makinarya dahil na rin sa kapalpakan ng mga lideres nito na dalhin sa mga mamamayan ang mga basic services gaya ng health, basic education, rural infrastructure at maging ng agrikutura.

Sa loob ng may tatlong dekada ay patuloy na lugmok ang mga lalawigan na sakop ng ARMM dahil nga sila ay nasa listahan pa rin ng mga pinakamahirap na lalawigan sa bansa.

At dapat na ang mga repormang isasakatuparan ni Aquino sa ARMM ay naka-sentro sa delivery ng basic services gaya ng edukasyon, pangkalusugan, agrikultura at rural infrastructure.

Sana ang mga repormang ito ay magbibigay buhay uli sa ARMM at hindi magdadala sa libingan nito.

AGOSTO

AQUINO

ARMM

AUTONOMOUS REGION

LOWER HOUSE

MUSLIM MINDANAO

PRESIDENT AQUINO

SENADO

TOTOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with