^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala bang sey ang CHED?

-

ANG Commission on Higher Education (CHED) ang nag-anunsiyo noong nakaraang linggo na 282 private colleges and universities ang magtataas ng tuition fees ng hanggang 15 percent. Wala naman daw pagtataas sa mga state colleges at universities. Kung ganitong inanunsiyo na ng CHED ang increase ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad tiyak na nga ito. Bago makapagtaas ng tuition fees ang mga unibersidad o kolehiyo, kailangan nilang idaan ito sa CHED. Susuriin muna ng CHED ang mga nag-apply na school at saka lamang nila aaprubahan. Ngayong school year na ito umano maraming unibersidad na naaprubahan para magtaas. Sa mga nakaraang school year ay mangilan-ngilan lang.

Ano kayang naging batayan ng CHED para mag-apruba nang napakaraming pribadong unibersidad para makapagtaas? Sa hirap ng buhay ngayon, na ang pagpapaaral ay malaking sakripisyo ng mga magulang, bakit kailangang pumayag ang CHED na makapagtaas ng hanggang 15 percent sa tuition fees. Ang pagtataas ng tuition fees ay nakisabay sa pagtataas din ng school supplies at iba pang expenses. Tiyak na kakapit sa patalim ang mga magulang para lamang maigapang sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Maaaring, patigilin nila ang iba pang anak sa pag-aaral at isa na lang muna ang pag-aralin. Lahat nang magulang ay gustong makatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Pero ngayong nagtaas na nga ang tuition fees, malamang na masira ang mga plano.

Sa 282 na unibersidad at kolehiyo na inaprubahan ng CHED, tiyak kayang lahat ng mga ito ay naghahatid ng sapat na karunungan sa mga mag-aaral. Hindi kaya karamihan sa mga unibersidad na ito ay diploma mill lang? Hindi kaya ang mga nagtapos dito ay wala ring nalalaman kaya hindi makapasa sa board exam? Sinuri ba ng CHED ang unibersidad kung nakikipagkumpetensiya sa iba pa ukol sa husay at talino ng kanilang mga estudyante.

Ilang taon na ang nakararaan, nagbabala ang CHED sa maraming nursing schools na kulelat na kanila raw ipasasara. Duda kami kung nagawa ito ng CHED. Hanggang ngayon, marami pang nursing school na tumatanggap ng estudyante gayung ni isa ay wala pang pumapasa sa nursing board exam. Nag-aral ng apat na taon pero walang alam.

Anong sey ng CHED dito?

ANO

ANONG

CHED

DUDA

HANGGANG

HIGHER EDUCATION

ILANG

UNIBERSIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with