^

PSN Opinyon

Phoenix

DURIAN SHAKE -

NAGING usap-usapan ang paghain  ng smuggling case ng Bureau of Customs laban sa Phoenix Petroleum dahil umano sa hindi pagbayad nito ng higit P5-billion diumano na halaga ng fuel and oil na inimport nito simula July noong isang taon hanggang nitong buwan ng Abril.

Ang P5 billion ay ang naging halaga umano ng may 46 na importations nga raw ng Phoenix sa nasabing mga buwan na dumaan sa Davao at Batangas ports.

Iginiit ng Phoenix na hindi totoo ang mga bintang ng Bureau of Customs at talagang naging relihiyoso ito sa pagbabayad ng karampatang duties at taxes para sa kanilang importations.

Handa ang Phoenix na ipasapubliko ang mga dokumento na magpapatunay na hindi totoo ang mga paratang ng Bureau of Customs.

At  marami rin dito sa Davao City, na kung saan naka-base ang pamilya ni Dennis Uy na may ari ng Phoenix, ang naniniwala na walang katotohanan ang mga paratang ng Bureau of Customs.

Naging biktima lang diumano ang Phoenix sa laro ng mga nasa oil industry lalo na ang mga malalaking kompanya ng langis na naging asiwa na sa pag-usbong at pag-unlad ng Phoenix.

At nitong huli nga ay naghain na rin ng charges of li­bel, grave abuse of authority and misconduct laban kay Bureau of Customs chief Angelito Alvarez at maging kay Deputy Commissioner Gregorio Chavez ang isang Davao-based broker na si Jorlan Cabanes dahil nga sa pagkadawit nito sa P5-billion smuggling case laban sa Phoenix.

Pinabulaanan ni Cabanes ang lahat ng paratang ng Bureau of Customs sa Phoenix kaya nakapagpasya siyang maghain ng libel, misconduct at grave abuse of authority sa Ombudsman laban nga kina Alvarez at Chavez.

Sinabi ni Atty. Cesar Europa na ang kasong inihain ng Bureau of Customs laban sa Phoenix at kay Cabanes ay isang form ng harassment at paninirang puri lalo na na walang katotohanan at walang basehan ang mga paratang nito.

Ayon sa mga usap-usapan, napilitan lang daw si Alvarez na gumawa ng kaso laban sa Phoenix dahil  daw sa utos ng ilang may influence sa Bureau of Customs.

Maging si Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte ay kumakampi rin sa Phoenix dahil naniniwala itong hindi kailan man nanloko ang Phoenix sa mga Customs duties at taxes nito.

Ang Phoenix ay isang ‘success story’ para sa mga Dabawenyo dahil nga dito yan nagsimula bilang isang maliit na kompanya na lumaki at lumago sa pagdaan ng ilang taon lang.

Lumalabas na naging hadlang na ang Phoenix sa operation ng mga malalaking kompanya ng langis dito sa bansa. Halos araw-araw ay may binubuksan na bagong gas station ang Phoenix sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

At naniwala ang marami na lalong lumakas ang Phoenix nang kinuha nitong endorser si boxing sensation Manny Pacquiao at ang movie actress na si Marian Rivera.

Sana dumating ang araw na aminin ng Bureau of Customs na nagkamali nga ito sa paratang nito laban sa Phoenix bago man lang lumaki ang kaso.

ALVAREZ

ANG PHOENIX

ANGELITO ALVAREZ

BUREAU

BUREAU OF CUSTOMS

CESAR EUROPA

CUSTOMS

DAVAO

PHOENIX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with