^

PSN Opinyon

Savings and investment ng pamilya ng OFW

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

PINAG-USAPAN namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang resulta ng 2011 Consumer Expectations Survey (CES) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa savings and investment ng mga pamilya ng OFW.

Sinabi ng BSP na ang CES ay sinimulan nilang isa­gawa­ noong 2007 kung saan ang isa sa mga layunin nito ay alamin kung paano ginugugol ng mga OFW family ang natatanggap nilang remittance money at kung paano ito nagagamit para paunlarin ang kanilang buhay. Ayon sa survey, ngayong 2011 ay umaabot na sa 41.4 porsiyento ng mga OFW family ang regular na nagpupundar ng savings­ mula sa remittance money. Ito umano ay napakalaking pagtaas mula sa 7.2 porsiyento lang na may regular savings nang unang isinagawa ang naturang survey noong 2007.

Tumaas naman umano sa 5.7 porsiyento ng mga OFW family ngayon taon ang nagtayo ng maliit na negosyo kumpara sa 2.3 porsiyento lang noong 2007. Sinabi ng BSP, noong 2010 ay umabot sa record high na $18.8 billion­ ang kabuuang OFW remittance, kung saan ay halos­ katumbas na ito ng 10 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa. Napakalaki umano ng potensiyal ng remittance money upang magbunsod ng mataas na pag-unlad sa buhay ng mga OFW family.

Si Jinggoy ay patuloy na nagpupursige ng mga lehis­lasyon na makatutulong sa pag-unlad ng mga OFW at kanilang pamilya.

Ibayo niya umanong isusulong ang mga programa upang hikayatin ang mga OFW family­ na regular na mag-impok o magtayo ng kahit maliit na negosyo. Kabilang sa mga nakikita niyang positibong hakbangin hinggil dito ay ang pagtitiyak ng special savings and investment package para sa kanila laluna sa pakikipag-ugnayan sa mga commercial bank at pribadong grupo.

AYON

BANGKO SENTRAL

CONSUMER EXPECTATIONS SURVEY

IBAYO

OFW

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

SI JINGGOY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with