^

PSN Opinyon

Tuloy lang ang Ligaya!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

Makatawag pansin at kaakit-akit sa anunsiyo ang ba­gong programa ng MAYNILAD laban sa magsusuplong ng mga iligal na koneksiyon ng tubig.

Ito ‘yung programang Sugpuin ang Iligal na Konek siyon Agad o SIKAD at magkamit ng pabuya mula 15,000 hanggang 120,000!

Sa anunsiyong ito, kahit sino ay magkakainteres. Sa simpleng pagti-tip ng mga tampered meters, by-pass connection, double tapping at di-rehistradong koneksiyon, magkakapera ka na.

Subalit hindi naging malinaw ang anunsiyong ito sa mga katulad ng isang concerned citizen na lumapit sa BITAG. Isinuplong niya raw ang kaniyang amo na matagal nang nandaraya ng koneksiyon ng tubig sa MAYNILAD.

Ang siste, wala ang sinasabing pabuya ng MAYNILAD. Ilang beses na raw siyang pinapabalik-balik sa nasabing tanggapan gayung nagtagumpay naman raw ang MAYNILAD na mahuli ang iligal na gawain na ito ng kaniyang amo.

Umaasa raw siya na ang pabuyang manggagaling sa MAYNILAD ang siya niyang gagamitin upang makalayo na sa kaniyang nagngangalit ngayong amo.

Nang makausap ng BITAG ang isa sa mga empleyado ng MAYNILAD, saka lamang naging malinaw sa nagre-reklamo ang kanilang programa.

Tanging mga business establishment o yung may mga negosyo lamang ang may pabuya sa programang ito. Bagay na hindi naipaliwanag sa nagrereklamo noong una pa lamang.

Dagdag pa ng nagrereklamo, hinayaan pa siyang magpabalik-balik sa tanggapan ng MAYNILAD upang kumpletuhin ang mga hinihingi nitong kailangan, wala naman pala siyang aasahan.

Bagamat naging panlilinlang para sa nagrereklamo ang

anunsiyong “pabuya” na ito ng Maynilad, iba naman ang nakikita ng BITAG.

Ang butas na ito sa programa ng Maynilad ang siyang gagamiting paraan ng mga negos-yanteng may malikhaing pag-iisip na makapandaya at makapagnakaw sa Maynilad.

Kung naging maingat sa ngayon ang mga establisyamento o negosyo sa iligal na koneksiyon ng tubig dahil sa pabuyang ibibigay sa mga tipster na makakakita ng kanilang pandaraya, may isa pang paraan.

Malaya na nilang ma­gagawa ito kung sa ilalim ng pribadong pagma-may-ari nakarehistro ang ka­nilang mga linya dahil hin­­di magiging mainit sa mata ang mga nandaraya sa mga kabahayan kaya’t tuloy pa rin ang ligaya.

BAGAMAT

BAGAY

DAGDAG

ILANG

ILIGAL

ISINUPLONG

KONEK

MAYNILAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with