^

PSN Opinyon

Tabing-bundok bawal minahin

SAPOL - Jarius Bondoc -

ISANG magandang presidential decree ni Ferdinand Marcos ang PD 705, ang Revised Forestry Reform Code, inilahad nu’ng Mayo 1975. Tinuring nito na forest reserve lahat ng lupa na may 18% slope (10.2 degrees) pataas, kaya hindi maaring bahayan o minahin. Sakop nito ang mga tabing burol, bundok at bangin. Gayundin, tinuring na gubat ang mga lupaing hindi bababa sa 250 ektarya na malayo o walang kadikit na bahayan o minahan. Gubat din ang tig-25 metro sa magkabilang pampang ng ilog, at 20 metro ng mangrove at swamp lands mula sa lawa o dagat. Pati ito bawal patayuan ng bahay o minahan. Exempt­ed lang ang mga lupang natitulohan na bago ilabas ang decree.

Kung susunurin ang decree, mahigit kalahati ng Pili­pinas ay gubat. Kalahati lang ang maaring gawing taniman, bahayan, lote ng pabrika, minahan, airports, piers, kalsada. Dalawa ang pakay ng decree. Una, ilaan sa gubat ang mga puno at hayop na makakain, at para malinis ang hangin. Ikalawa, iligtas ang mga tao mula sa kapahamakan, tulad ng mudslides o tsunami.

Kung sinusunod ang decree, hindi sana nangyari ang trahedya sa Pantukan, Compostela Valley, kung saan pitong maliliit na minero ang nakulong at namatay sa tunnel na gumuho nu’ng Biyernes Santo. Bawal ang minahan doon dahil mahigit 18% slope ang lugar. Kung sinusunod ang batas, hindi dapat nanga-daganan ng putik­ at nasawi ang daan-daan taga-Ginsaugon, Southern Leyte, at Cherry Hills, Antipolo City, dahil bawal nga ang bahayan sa mahigit 18% slope na lupa. Kung sinusubod sana ang batas, hindi sana tinatangay ng baha o malalaking alon ang mga barong-barong sa tabing ilog at dagat kapag bumabagyo.

Dept. of Environment and Natural Resources, kaila­ngang gumising.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANTIPOLO CITY

BAWAL

BIYERNES SANTO

CHERRY HILLS

COMPOSTELA VALLEY

DALAWA

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FERDINAND MARCOS

REVISED FORESTRY REFORM CODE

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with