^

PSN Opinyon

'Mga luha sa Doha!'

- Tony Calvento -

ILANG ulit ko ng itinampok sa aking kolum ang istorya ng la­bing apat (14) na bilanggong Overseas Filipino Workers (OFW) sa Doha, Qatar.

Maraming na beses ring lumapit sa amin ang kanilang mga kaanak upang humingi ng tulong sa kasong kinakaharap ng 14 ng Pinoy. Isa na nga sa kanila ay si Ma. Remedios “Remy” Nacor. Ang ina ni “Ranel”, isa sa 14 na bilanggo.

Ngayong Lunes itatampok namin ang laman ng sulat ng ating mga kababayan na ngayo’y naghihirap sa loob ng selda. Ang mga sumusunod ang laman ng liham.

Sir,

Para sa aming minamahal na media columnist Mr. Tony Calvento. Kami ang 14 na Overseas Filipino Worker’s na nagtatrabaho dito sa Doha, Qatar sa loob ng maraming taon. Nanghihingi po kami ng pagkakataon at malaking tulong sa inyo dahil halos apat na buwan na kaming nanatili dito sa Um Salal Jail dahil sa isang kaso. Ito ang dahilan kung bakit kami lumiham sa inyong tanggapan. Para malaman ninyo ang kung anung nangyayari sa aming sa loob ng kulungan.

Nung ika-15, 17 at 24 ng Enero, pumunta kami sa Korte Suprema para sa dumalo ng pagdinig na aming kaso. Apat sa amin mga kasama ang nasentensyahan na ng isang taong pagkakulong. Walang abogadong nagtanggol sa aming apat na kasamahan ng mahatulan sila nitong Ika-24 ng Enero.

Hindi na namin alam sir kung anung mangyayari sa amin dito. Iisa lang ang aming kaso subalit hindi namin alam kung bakit apat lang sa amin ang nahatulan na. Hindi po totoo ang kasong ito. Walang ebidensyang nakuha sa amin.

Inaresto nila ang ilan naming kasama sa kanilang kwarto habang sila’y natutulog. Pumirma kami sa kanilang kasunduan ng hindi namin nalalaman ang dokumentong aming pinipirmahan dahil ito’y nakasulat sa ‘arabic’.

Tinototure kami… inilalagay kami sa isang malamig na kwarto sa loob ng kulungan walang unan, kumot o kahit anong panapin man lang… tanging sa semento lang kami nakahiga. Ito rin ang dahilan kung bakit kami pumayag pumirma sa mga dokumento nung kami’y nasa Alkhor Jail pa lang at hindi pa nalilipat sa Um Salal. Wala kaming ginawagawang masama sir!

Inaasahan namin sir na magagawan niyo ng tamang aksyon ito. Ang aming mga pamilya ay naghihintay na sa amin sa Pilipinas. Ang mga anak namin ay tumigil na rin sa pag-aaral. Wala na kasi kaming perang pantustos sa mga bayarin. Hindi na namin alam kung ano ng mangyayari sa kanila. Sana po magawan ng paraan ang aming kaso na kami ay mapauwi sa aming pinakamamahal na bansa sa lalong madaling panahon.

Hindi po kami tinutulungan ng aming kumpanya. Kaya’t nagkasundo kaming lahat na sumulat sa inyo. Ang embahada ay dapat tumulong sa mga taong nangangailangan ng malaking tulong katulad namin.

Hindi lang kami ang nakakulong dito sa Um Salal. Marami pang kulungan sa Doha, Qatar ay may mga Pilipinong bilanggo kaya po kami humihingi ng tulong.

Gusto na po naming makauwi ngayon sir… sa lalong mada­ling panahon.

Maraming salamat po sa pagtulong ninyo.

Gabayan sana kayo ng Panginoon maging ang inyong pamilya at ang lahat ng mamamayang Pilipino.

Ito po ang apat na Pinoy na nahatulan ng isang taong pagkakakulong. George A. Santiago, Edgar B. Flaminiano, Virgilio Yumol at Issas Z. Demisana

Ang sulat na ito ay pirmado nila, Pascual B. Haban, Edilberto C. Pabilan, Romeo Labador, Arvin Magsanoc, Butch Cabanilla, Jaime Ebrada at anak ni Remy na si Ranel.

Nakalista rin sa sulat ang tatlong bagong bilanggong Pinoy na sina Rommel Boral, Joriel Ramirez at Pablo Fernandez Jr.

Bilang tulong pinarating kay Usec Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kundisyon ng 14 na Pinoy sa Um Salal Jail. Finorward namim kay Usec. Seguis at sa Ambassador ng Qatar kay Ambassador Cres Relacion ang liham nila Ranel.

 Mabilis namang sumagot sa aming ‘email’ si Ambassador Relacion. Ayon sa kanya patuloy ang patulong nila sa 14 nating kababayan at hindi totoong napapabayaan ang kanilang kaso. Sa katunayan kumuha sila ng isang abugado para sa pagdinig ng kanilang kaso sa Korte. Ang kumpletong detalye ng sagot ni Ambassador Relacion ay ang sumusunod:

Sir, their allegations that there was no lawyer and embassy representative during the court hearings were baseless. We have provided the 13 OFWs with a lawyer (Atty. Norah Sarhan), with fee taken from the Department's Legal Assistance Fund (LAF).  Atty. Sarhan or her representative lawyer was present during the dates of the trial and the Embassy's staff, Mr. Nasser Macarimbang who is fluent in Arabic, was also present during court proceedings.

They're not telling the truth when the said that they have not done anything, to quote them "even we are not doing anything sir".  During the initial interview immediately after they were detained, all of them admitted to our ATN staff of their participation in the conspiracy of stealing the copper cable wires.  In fact, our ATN staff said they admitted to the police of the crime when they were first interrogated.  In spite of this, we spent for the services of a lawyer for their defense and to assist them to secure lighter jail sentences.                          

Sir, three (3) of them were already meted a 1 year sentence for their involvement in one (1) count of theft.  The others may be involved in a number of counts of theft as the prosecutor filed a total of nine (9) counts of theft.

As to their allegation of torture and forcing them to sign statements in Arabic without them knowing what they were signing for, I have instructed Gilbert Segarra to visit them tomorrow to get into the bottom of this.

As a practice, the police and the prosecutor will require a translator to translate the Arabic statements into English or in Tagalog in cases where the translator is a Filipino, before the accused are made to sign documents.

I'll give you more update on the case after the jail visit.  Regards.

Ito ang paglinaw na ginawa ni Ambassador Relacion sa liham na pinaabot sa amin ng 14 na OFW’s.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, palagi naming pinapaliwanag na may batas na kung tawagin ay ‘Sharia Law’. Ito ay isang batas ng Muslim o ‘Islamic Law’. Saklaw nito ang pagsentensya sa may akusado depende sa laki ng atraso nito sa biktima at sa kanilang batas.

 Malinaw na hindi tumitigil ang DFA sa pagtulong kila Ranel. Sa puntong ito nais namin sabihin sa kanilang pamilya na huwag mag-alala dahil tuloy ang aksyon nila Usec. Seguis at ni Ambassador Cres sa 14 na Pinoy.

Ngayon pa lang nais naming pasamalatan ang DFA sa pagtulong nila hindi lang kina Ranel kundi sa marami nating kababayang nahaharap sa kaso, inaabuso at minamaltrato sa labas ng ating bansa.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado

* * *

Email address: [email protected]

AMBASSADOR RELACION

AMING

KAMI

PINOY

RANEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with