^

PSN Opinyon

Peligro ng bansa

PILANTIK - Dadong Matinik -

Itong ating bnsa ay namemeligro

dahil dumarami ang walang trabaho;

Mga college graduate ay walang trabaho 

at ngayo’y nadagdag mga OFW!

May gyera sa Libya, magulo sa Bahrain

na dati’y takbuhan ng walang gawain;

Mga Pilipino’y umuuwi mandin

sa takot na sila doo’y masawi rin!

Maganda na sana ang takbo ng bansa

dahil sa nawala ang rehimeng Gloria;

Masipag at tapat pumalit sa kanya –

pero ibang dusa napunta sa kanya!

Ngayong maupo na at hawak ang poder

nagiging mahirap ang kanyang tungkulin;

Sangkaterbang unemployed ang nagsisidating

nadagdag pa sila sa walang gawain!

Milyun-milyong graduates walang mapasukan

kaya ang problema’y sapin-sapin na lang,

Kahit presidenteng mabait maalam

sa laki ng problem ay mahihirapan!

Nasaan ang ating mga mambabatas

at ang marurunong na sa pera’y tanyag?

Bakit hindi kayo kumilos kaagad

magbigay trabaho sa maraming hirap?

Kung hindi n’yo kaya pitak ang iisip

ng mga trabahong ating ninanais;

Sa mataong lunsod kayo ay umalis

magbalik sa nayon at doon maghasik!

Maghasik ng binhing ating isasabog

sa mga bukiring laon nang natuyot;

Mga kabataan kayo ay kumilos

magtanim ng gulay at palay na bantog!

Mga kababayan na nagbalik-bayan

lingapin ang bukid na inyong iniwan;

Gumawa ng bukid at palaisdaan

tiyak na uunlad ating kabuhayan!

vuukle comment

BAHRAIN

BAKIT

GUMAWA

ITONG

KAHIT

MAGANDA

MAGHASIK

MGA PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with