^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga mensahe sa nangyaring bitay

-

SA kabila na ginawa ng gobyerno ang lahat nang paraan para mailigtas ang tatlong Pinoy sa bitay, itinuloy pa rin ang paggawa ng parusa. Sa kabila ng mga pagdarasal, nangyari pa rin ang paglethal injection kina Sally Ordinario Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo. Walang nakapigil sa mahigpit na batas ng China.

May mga mensahe kung bakit nangyari ang ganito sa tatlong Pinoy. Higit na maraming mensahe sa gobyerno at siguro’y ito na ang tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang lumalalang problema sa illegal drugs na ang mga nagdadala at gumagawa ay mga dayuhan. Ano ba ang alam ng mga karaniwang Pinoy sa paggawa ng droga o kung saan ito kukunin?

Batay sa report, ang mga drogang bitbit ng tatlong binitay ay nagmula sa mga sindikato na ang nag-ooperate ay mga Nigerian. Dumadagsa umano rito ang ilang Nigerians at nagkukunwaring mag-aaral pero iba pala ang kanilang pakay --- ang mag-transport ng heroine. Kinukutsaba ng mga sindikato ang mga Pilipino para gawing drug mule o tagabitbit. Karaniwang sa China ang distinasyon ng drug mules. Mayroong tatawid sa Macau at sa iba pang bansa sa Asia. Pangangakuan nang malaking pera ang mga tagabitbit ng heroine. Pero hindi umubra ang drug mules sapagkat nasasabat sila. Mayroong nilulunok ang heroine na nasa capsula para hindi ma-detect. Kahit anong paraan ay susubukan ng mga sindikato para makapagpasok ng droga sa bansang target nila.

Ang tanong ngayon ay kung bakit mabilis na nakakapasok ng bansa ang ilang Nigerians. May ginagawa bang paraan ang Bureau of Immigration para ganap na masubaybayan ang Nigerians. Totoo kayang mga estudyante ang Nigerians? Umano’y sa isang bayan sa Cavite, sa bahay ng babaing recruiter ng binitay na si Ramon Credo ay madalas makitang kasa-kasama nito ang mga Nigerian. Marami raw nagtutungo sa bahay ng recruiter. Hanggang ngayon ay hindi lumulutang ang babaing recruiter.

Mensahe rin naman sa gobyerno na dapat nang maghigpit sa mga dayuhang pumapasok sa bansa sapagkat ang mga ito ang karaniwang nagdadala ng illegal na droga. Bukod sa Nigerians, ang mga Chinese mismo ay nasa bansa at dito sila “nagluluto” ng shabu. Bigatan ang parusa sa mga mahuhuli, kung maaari, itulad sa batas ng China. I-execute din ang mahuhuling drug traffickers.

ANO

BATAY

BIGATAN

BUREAU OF IMMIGRATION

ELIZABETH BATAIN

MAYROONG

PINOY

RAMON CREDO

SALLY ORDINARIO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with