^

PSN Opinyon

Paalam, Ka Danny

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

ITO ang huling labas ng kolum na HALA BIRA ni Danny Macabuhay. Pumanaw siya noong Linggo, Marso 27, sa The Methodist Hospital, Houston, Texas dahil sa pneumonia. Siya ay 75-taong gulang. Naulila niya ang maybahay na si Dr. Susan Daplas-Macabuhay at mga anak na sina Danton, Dennis, Eileen M. Vidad, Joseph, Cristina Lazo, Vincent, Edwin, Robert , Diane Blancaflor at John Philip.

Labinlimang taong naging kolumnista ng Pilipino Star NGAYON si Ka Danny (1996-2011). Ayon sa kanyang maybahay na si Susan, kahit nakaratay na si Ka Danny, ginagawa pa rin nito ang kanyang kolum sa PSN na lumalabas tuwing Martes at Sabado. Lagi niyang sinusubaybayan sa philstar.com ang paglabas ng kanyang colum at natutuwa siya sa reaksiyon ng readers sa kanyang isinusulat. Karaniwang paksa ni Ka Danny ay ang buhay-buhay ng Pil-Am sa US.

Bago nag-migrate sa US noong 1985 marami siyang posisyong hinawakan at kabilang dito ang pagiging President at General Manager ng Consolidated Media, Ur-Adman and Inter-Asia Advertising Corp;

First President at CEO Platinum Plans; Head, Marketing Division Loyola Memorial Parks and Loyola Life Plans; President at General Manager ng Mc Life Group of Companies; Senior Vice President, Pamana Educational Plans at Senior Staff announcer ng DZBB at Channel 7 sa ilalim ni Bob Stewart.

Nagbalik siya sa bansa noong 1996 nang mamatay ang kanyang unang maybahay na si Equicia Ordoñez. Nagtrabaho rin siya sa gobyerno ni President Fidel Ramos. Noong 1998, nag-asawa siyang muli kay Dr. Susan Daplas. Mula March 2003 hanggang March 2005 ay naging President and CEO siya ng Medical Center Imus, Cavite. Noong 2005, nanirahan na sila sa Los Angeles, California. Lumipat sila sa Houston noong 2007 at doon na nanirahan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Arts in English & Philosophy sa San Beda College at Master in Business Administra-     tion sa Ateneo de Manila University. May advanced Course in   Marketing and Management sa Dela Salle University.

Paalam Ka Danny. Ang PSN sa pangunguna ni Mr. Miguel G. Belmonte, President at CEO, Editor in-chief Al Pedroche at staff ay nagdadalamhati sa iyong pagpanaw. — RONNIE M. HALOS

vuukle comment

AL PEDROCHE

BACHELOR OF ARTS

BOB STEWART

BUSINESS ADMINISTRA

CONSOLIDATED MEDIA

CRISTINA LAZO

GENERAL MANAGER

KA DANNY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with