^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang equipment kapag lumindol at magkasunog

-

HINDI lamang ang tsunami ang kakambal ng lindol, posible rin ang sunog. Sa tsunami, mahirap makaligtas maliban na lamang kung mga tao ay agad mailikas sa bundok. Pero kapag nagkaroon ng sunog makaraan ang lindol, marami pang magagawa. Kapag ang nasunog ay matataas na building, puwedeng mataas na ladder na nakakabit sa firetruck. Maari rin ang helicopter na pang-rescue. Maaari namang patayin ang sunog sa pamamagitan ng chemical na nakakarga sa modernong firetruck.

Ang mga equipment na iyan ay kumpleto sa Japan. Kaya magkaroon man ng paulit-ulit na lindol at may bumagsak na building, agad silang nakares­ponde. Sa pananalasa lang ng tsunami sila nadale sapagkat masyadong mabilis ang pangyayari makaraang yanigin ng 9.8 na lindol noong Marso 11.

Masakit namang sabihin na ang Pilipinas ay kulang na kulang sa mga kagamitan, sakaling tuma­ma ang malakas na lindol at magkasunog particular sa Metro Manila. Walang magagawa kundi panoorin lamamg ang occupants ng condominium o hotel na nasusunog. Walang magagawa sapagkat walang kagamitan gaya ng ladder na maaaring iladlad sa mga na-trap ng sunog. Wala rin palang chemical firetruck na pangunahing gamit sa pag-apula ng sunog.

Helpless umano tayo sakali at dumating ang catastrophe. Wala raw mga high-end equipment o maski helicopter para mabilis na makapagligtas ng mga nata-trap sa building kapag nagkasunog. Iyan ang sinabi ni Chief Supt. Victoriano Remedio, director for operations ng Bureau of Fire Protection (BFP). Isang paraan daw para madaling makatugon sa biglaang pangangailangan ay ang pag-pro­vide ng mga kagamitan. Kung walang mga kagamitan, walang magagawa. Ang mga taga-BFP lamang ang tanging makareresponde kapag nagkaroon ng lindol at sunog kaya nararapat lamang na paglaanan sila nang kumpletong gamit.

Ang sinabi ni Remedio ay nararapat pakinggan ng mga mayor sa Metro Manila. Ang mga mayor ang dapat magpursigi para magkaroon sila ng mga equipment na gagamitin sa panahon ng emergency. Ipinagmamayabang ng mga lungsod sa Metro na malaki ang kanilang kita. Kung malaki, bakit hindi paglaanan ang mga equipment. Maha-laga ito para makapagligtas ng buhay.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF SUPT

IPINAGMAMAYABANG

ISANG

IYAN

METRO MANILA

VICTORIANO REMEDIO

WALA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with