^

PSN Opinyon

Mga nangyari sa Japan at epekto nito sa Pinas

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MASUSI naming pinag-aaralan ng aking anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang sitwasyon sa Japan dahil sa naganap na lindol, tsunami at radiation, at kaugnayan nito sa Pilipinas. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang pangyayari ay may malaking epekto sa ekonomiya ng Pilipinas at mararamdaman sa tatlong aspeto: OFW remittance, kalakalan at Japan-funded projects and programs.

Ayon sa BSP, humigit-kumulang 4,000 Pinoy na nagtatrabaho sa Japan ang nagpapasok ng $900 milyon sa Pilipinas bawat taon. Umaabot naman sa 16.2% ng mga produkto ng Pilipinas ang binibili ng Japan kada taon, kung saan ay kabilang ito sa top ten buyers ng ating mga produkto. Samantala, 12.3% naman ng foreign products na kinokonsumo sa ating bansa ay mula sa Japan. Ang Pilipinas din umano ang fourth largest recipient ng Japan Official Development Assistance (ODA) funds na ipinantutustos sa iba’t ibang proyekto at programa sa ating bansa kung saan ang nakikinabang ay mga mahihirap.

Ayon sa BSP, ang mga pangunahing aspetong ito ng ekonomiya ng Pilipinas ay makararanas agad nang napakalaking negatibong impact. Gayunman, puwede umanong masabing relatively short term lang ang naturang epekto. Inaasahan umano na mabilis ding kikilos ang Japan para sa rebuilding and reconstruction efforts kung saan mangangailangan ito nang mga dayuhang manggagawa, at doon mararamdaman ang medium to long term benefits nito sa mga Pilipino.

Tiniyak naman ni Jinggoy ang patuloy na pagsasagawa ng mga hakbangin sa pag-ayuda sa mga OFW at kanilang pamilya na apektado ng nangyari sa Japan.

ANG PILIPINAS

AYON

BANGKO SENTRAL

GAYUNMAN

INAASAHAN

JAPAN

JAPAN OFFICIAL DEVELOPMENT ASSISTANCE

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with