^

PSN Opinyon

Nuclear leak

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MARAMING Pinoy dito sa US ang natakot sa balitang radiation leak mula sa sumabog na nuclear plant sa Fukushima, Japan. Ano raw ang mangyayari sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas kapag umabot ang radiation leak? Ang radiation leak daw ay may kasamang parang asido na nakaka-kanser kaya delikado.

Pati may mga pinag-aralan sa science studies ay hindi rin makasiguro sa kanilang kaalaman sa radioactive fallout o radioactive leak maraming natuliro sa Pilipinas. Dahil sa kakulangan ng kaalaman ukol dito, hindi kaagad mabigyan ng paliwanag ang mamamayang Pilipino kung ano ang radioactive leak o ano ang silbi ng nuclear plants. Paano ba nag-ooperate ang planta at ano ang silbi nito sa bansa.

Hindi lamang ang tungkol sa nuclear plants ang nagi-   ging problema ng mga Pinoy sapagkat sinabi kamakalawa ng Phivolcs na maaaring may tumamang lindol (7.2) sa bansa. Hinog na raw ang west valley faults at maaaring anumang oras ay lumindol. Kaya nagsasagawa ng earthquake drills ang mga school at tanggapan. Nararapat na maging handa sa darating. Umano’y maaaring maganap sa Pilipinas ang nangyari sa Japan na marami ang namatay.

Maraming gusali, tahanan at iba pang istruktura sa Pilipinas ang hindi matibay ang pagkakatayo. Nararapat na magkaroon ng pag-iinspeksiyon sa mga istrukturang ito. Magkaroon din sana ng sapat na kagamitan ang bawat siyudad at bayan para madaling makatugon sa emergency. Ayon sa report may mga mayayamang lungsod sa Metro Manila na walang kagamitan. Pagtuunan sana ito ng pansin. Hiling ko sa mamamayan, huwag kalimutang magdasal.

ANO

AYON

DAHIL

FUKUSHIMA

HINOG

KAYA

METRO MANILA

NARARAPAT

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with