^

PSN Opinyon

Pati sa US mataas din ang gasolina

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HINDI lamang sa Pilipinas mataas ang presyo ng gasolina at mga bilihin. Maski dito sa Amerika ay umaangal na ang mga tao. Dati-rati ay $2.00 hanggang $3.00 per gallon ang presyo ng gasoline ngunit ngayon ay $3.00 hanggang $4.00. Tataas pa raw ang presyo dahil sa kaguluhang nangyayari sa Libya at iba pang bansa sa Middle East.

Sinasabi ng mga analysts na dapat nang bumaba si Khadafi para tumigil na ang pagpoprotesta ng mga kababayan niya. Matagal nang hinihingi ng mga ito ang pagbaba ni Khadafi na 30 taon nang nakaupo bilang diktador. Subalit, matigas si Khadafi na ang ipinipilit ay mahal daw siya ng kanyang mga kababayan kaya hindi siya maaaring bumaba.

Isa lamang ang problemang ito sa Libya na nakakaapekto sa maraming bansa tulad ng Pilipinas at US. Mayroon namang mga bansa na iba naman ang kaguluhang dinadanas. May binabaha at nililindol. Marami ang namatay at nasirang ari-arian. Sa New Zealand, kung saan maraming Pinoy ang nagtatrabaho ay nilindol. Labing-isang Pinoy ang namatay doon. Nakalulungkot ang balita sa mga Pinoy sa New Zealand. Dapat na ayudahan ng gobyerno ang mga kababayan natin doon. Nabalitaan ko na mabagal daw ang embahada ng Pilipinas sa New Zealand para tulungan ang mga Pinoy doon.

Sa mga nangyayaring kaguluhan dapat maging handa ng mga Pinoy. Ngayong patuloy ang paglala ng problema sa Libya at iba pang bansa na apektado ang presyo ng langis, ipag-utos na ng gobyerno ang pagtitipid. Ngayon pa lang ay atasan na ang mga tanggapan ng gobyerno na huwag nang mag-aksaya sa gasolina. Huwag nang gamitin ang mga sasakyang malakas kumunsumo ng gasolina. Lahat nang pagtitipid ay dapat isakatuparan sa ngayon.

vuukle comment

AMERIKA

DAPAT

DATI

KHADAFI

MIDDLE EAST

NEW ZEALAND

PILIPINAS

PINOY

SA NEW ZEALAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with