Presyo ng langis dapat kontrolin
DAHIL sa krisis sa gitnang silangan, dapat tayong maghanda sa pagtaas pa lalo sa presyo ng mga produktong petrolyo. Linggo-linggo halos ay tumataas ang halaga ng petrolyo.
Noong panahon ni yumaong Presidente Ferdinand Marcos, hindi masyadong problema iyan. Mayroon ka-sing Oil Price Stabilization Fund (OPSF). Ang pondong ito ang sumasagot sa itinataas sa halaga ng inaangkat na petrolyo. Pero sa pagpasok ng administrasyong Cory Aquino, binuwag na ang OPSF at pinagtibay bilang batas ang oil price deregulation. Hindi na puwedeng manghimasok ang gobyerno para pigilin ang pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Kritikal ang kalagayan ng oil supply lalu pa’t mara-ming bansa sa Middle East ang nagkakagulo. At masyadong maagap ang mga kompanya ng langis sa Pilipinas na maamoy pa lang ang posibilidad na tataas ang presyo ng krudo, inuunahan na nilang taasan ang presyo ng petrolyo. Grabe!
Kawawa ang taumbayan lalu na yung mga mahihirap. Pag tumaas ang presyo ng petrolyo, tataas din ang pamasahe. Tataas din ang mga pangunahing bilihin na gumagamit ng transportasyon. Magtataasan lahat maliban sa isa: Ang SAHOD ng mga manggagawa. Kung tumaas man ay napakaliit at hindi umaakma sa bagong cost of living.
Ang petrolyo ang pinaka-gulugod ng ekonomiya. Kapag mataas ang presyo nito, kawing-kawing na pagtataas sa presyo ng ibang kalakal ang mararanasan. Wala namang magagawa ang Malacañang. Inaamin nito na wala itong kakaya hang i-subsidize ang oil industry gaya nang ginawa ni Marcos noon.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, malaking pondo ang kailangan para ma-subsidize ng gobyerno ang oil industry.
Mahirap sabihin iyan sa tao. Kasi iisipin nila na tinatawag na corrupt si Mar cos pero bakit nakapaglaan siya ng pondong pang-subsidiya sa presyo ng la-ngis? Tinataya ng Palasyo na $2 bilyon pondo ang kailangan para sa subsidiya, bagay na hindi matu-tustusan ng gobyerno.
Kung ang gobyernong sinasabing nangurakot ay napaglaanan ang gani-tong contingency fund, bakit hindi ang isang gobyernong tumatahak sa “matuwid na landas?”
- Latest
- Trending














