^

PSN Opinyon

Editoryal - $1,000 bayad sa pang-aabuso

-

DALAWAMPU’T LIMANG taon ang nakalipas bago napasakamay ng martial law victims ang kabayaran sa ginawa sa kanilang pang-aabuso. Isang libong dolyar ang bayad sa bawat biktima. Tinanggap ng unang batch ang kabayaran sa isang seremonyang ginawa sa Club Filipino sa San Juan City. Labindalawa ang tumanggap sa may kabuuang 7,526 martial law victims. Ipinamahagi ang tseke ng abogadong si Robert Swift, katulong ang Commission on Human Rights na pinamumunuan ni Chairman Loretta Rosales. Dumalo ang mga abogado ng martial law victims na sina Rene Saguisag at Rod Domingo Jr. Ang distribution ng pondo ay inaprubahan ni Judge Manuel Real ng US District Court of Hawaii.

Napakaliit ng $1,000 sa dinanas ng mga biktima. Ilan sa mga babaing biktima ay ginahasa ng mga sundalo. Ang guro na si Hilda Narciso ay isa sa mga nakatanggap ng bayad. Sabi niya, hindi mahalaga kung malaki man o maliit ang kanyang natanggap na kabayaran. Ang mahalaga raw ay nagtagumpay sila sa kanilang pinaglalaban. Hindi malilimutan ni Narciso ang dinanas sa kamay ng mga sundalo na matapos siyang iinterogate ay halinhinan siyang ginahasa. Hanggang ngayon aniya ay nakikita pa niya sa balintataw ang mga mukha ng sundalong gumahasa sa kanya. Habambuhay na aniyang nakatatak sa kanyang alaala ang mapait na pangyayari noong martial law. Sabi pa ni Narciso, hindi lamang siya ang nagtagumpay sa kaso kundi ang lahat nang Pilipino. Nagpapasalamat siya mga tumulong na abogado para sa kapakanan ng martial law victims.

Mas masakit ang naramdaman ng isang ina na ang kanyang anak na dinukot ng mga sundalo ay hindi na natagpuan pa. Si Cecilia Lagman ay matagal na naghintay at umasang buhay pa ang anak na si Hermon. Pero lumipas ang 34 na taon, hindi na nakita ang kanyang anak na dinukot ng mga sundalo. Si Hermon ay isang labor lawyer at human rights defender. Katulad ni Narciso, si Lagman ay nagpapasalamat at nagkaroon din ng tagumpay ang kanilang ipinaglalaban.

Hindi na maibabalik ang buhay na inutang at ang hapdi ng pahirap na tinamo subalit sa pagkakaloob ng bayad, nakakita ng kaunting liwanag ang mga biktima. Sa wakas, mayroon silang natamo sa loob ng 25-taong pakikipaglaban. Hindi rin nasayang ang kanilang pagsasakripisyo at paghihintay.

CHAIRMAN LORETTA ROSALES

CLUB FILIPINO

DISTRICT COURT OF HAWAII

HILDA NARCISO

HUMAN RIGHTS

JR. ANG

JUDGE MANUEL REAL

NARCISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with