^

PSN Opinyon

3 batayan kung dapat sipain o hindi ang ambassador

- Roy Señeres -

SALUDO ako sa ginawa ni P-Noy na pinapunta si VP Binay sa China para ipakiusap na ma-commute sa life sentence ang hatol na kamatayan sa tatlong OFWs. Dahil sa ginawa ng presidente at bise presidente naipamalas nila sa 10-milyong OFWs ang genuine concern.

 Kung, God forbid, ay nagpasya na finally ang China na ituloy ang bitay di na natin dapat sisihin ang dalawa. Pero sa mga susunod na crisis na tulad nito, dapat may batayan ang presidente at taumbayan para masuri kung ang DFA ba at ang mga ambassador ay naging tapat sa kanilang tungkulin na magbigay ng proteksyon at tulong sa OFWs. 

Ayon sa Sec. 27 ng R.A. 8042, ang pinaka-top priority concern ng ating foreign service ay protection and welfare of OFWs. Mas top pa ito kaysa dalawa pang concerns ng DFA na economic diplomacy at furtherance of national security. Kaya dapat may batayan tayo para masuri kung gaano ba talaga ka top ang naging concern halimbawa ng ating ambassador sa China sa tatlong OFWs na nasa bingit ng kamatayan.

 Unang batayan: Personal bang nadalaw sa piitan ng ating ambassador ang tatlo habang nililitis ang kaso nila? Kung hindi, kulang sila sa timbang dahil hindi masabing naging top ang concern nila sa tatlo.

 Ikalawang batayan: Nakipag-ugnayan ba ang DFA sa pamilya at barangay captain at mayor ng akusadong OFW at humingi ng certificate na siya ay isang mabait na nilalang at law abiding citizen? Ang certificates na ito ay personal na iaabot dapat ng ambassador natin sa Presidente, Sheik, o ruler ng country of assignment niya.

 Ikatlong batayan: Ang DFA secretary ba ay dumadalong personal sa mga national day receptions ng mga embahada rito sa Pilipinas sa halip na kung sinu-sino lang na Usec ang pinapadala niya? Mahalaga na very close siya sa mga ambassador dahil sila ang may mga tiyak na access sa heads of state or governments nila.

 Sana mag-issue si P-Noy ng Executive Order requiring ambassadors to perform the extraordinary dilligence of a good father of a family in taking care of all OFWs in their jurisdictions in line with Sec. 27 of R.A. 8O42 otherwise known as the Migrant Workers Act. Lahat nang ambassador kasama ang DFA secretary na bumagsak sa tatlong batayan ay dapat sipain sa puwesto.

AMBASSADOR

AYON

BATAYAN

BINAY

DAHIL

EXECUTIVE ORDER

IKALAWANG

IKATLONG

MIGRANT WORKERS ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with