^

PSN Opinyon

'Poppy' love

- Al G. Pedroche -

MAY bagong rebelasyon si Senate Majority Leader Tito Sotto: Na ang ilang mga bakery, grocery at restaurant umano ay gumagamit at nagbebenta ng pinatuyong buto ng poppy na alam na nating pinagmumulan ng opium. Diyan din nanggagaling ang morpina at iba pang uri ng regulated o bawal na droga.

Hindi kaya iyan ang dahilan kung bakit kapag may natikman kang masarap na putahe sa restaurant ay binabalik-balikan mo? Iyan ba ang tinatawag na “poppy love?” Hindi naman siguro. Mahirap iyan. Baka kumakain tayo niyan nang di natin alam at kapag nagkaroon ng biglaang drug test ay magpositibo tayo.

Napakinggan ko ang isang panayam sa telebisyon sa isang opisyal ng Food and Drug Administration. Aniya, ang pinatuyong buto ng poppy ay wala nang taglay na narkotiko. Wala nang masamang epekto kahit kainin. Naku, bagong topic na naman ito na pagkakaabalahang busisiin ng Senado “in aid of legislation.” Matapos ang masusing pagbusisi sa carjacking at katiwalian sa military, heto na naman ang bagong isyu na nakatakdang isalang. Hehehe.

Pagpapaliwanagin daw ng Senado ang FDA kung bakit nangyayari pala ito nang wala tayong kaalam-alam. Sabagay, maaaring totoo na wala nang taglay na narkotiko ang pinatuyong buto ng poppy. Pero may batas na nagbabawal sa pagpapasok sa bansa ng poppy o ano mang by-product nito maliban na lang yung ginagamit for medical purposes. Wala namang sinasabi sa batas na kung tuyo na ang binhi ng poppy ay puwede nang ipasok sa Pilipinas. Ayon kay Senador Sotto, dapat magpaliwanag ang FDA kung bakit nakalulusot ang mga poppy seeds na pinagmumulan ng opium sa mga pamilihan.

Nauna rito, ibinunyag ni Sotto sa kaniyang privilege speech na may mga restaurants, groceries, at bakeries na nagbebenta ng poppy seeds. Eh ano ba silbi nito kung wala namang epek-tong pampa-high? Pandekorasyon lang daw. Naku ha, wala bang ibang maipan-dedekorasyon sa pagkain    at poppy pa ang napili?

Ayon kay Sotto ipinag­babawal sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,  ang importasyon ng mga “illegal substance and essential chemicals” kasama na ang species ng opium.

Ani Sotto, trabaho ng FDA na tiyaking ligtas sa mga delikadong kemikal ang pagkain sa pamilihan. Naku FDA ha? Better do your job well baka mag-personal appearance ang inyong mga opisyal sa Se-nate at maging instant cele-brities. Sabagay okay lang iyan basta’t huwag lang magsu-suicide. Alam niyo naman kung paano manggisa ang ilang Senador.

Nakaka-depress.

He-he-he!

ANI SOTTO

AYON

DRUG ADMINISTRATION

DRUGS ACT

NAKU

POPPY

SABAGAY

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with