^

PSN Opinyon

Masakit ang tuhod? Basahin ito

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ANG sakit sa tuhod ay nararamdaman nang maraming tao. Kadalasan ito nag-uumpisa sa edad 40 pataas. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay ang arthritis, isang sakit ng pag-edad.

Kung ika’y sobra sa timbang, mas maagang sasakit ang tuhod mo. Kung sobra ka rin sa ehersisyo, tulad ng mga runner, kickboxer o basketball player, puwedeng mapuwersa rin ang iyong tuhod.

Ano ang dapat iwasan?

Huwag magbuhat nang mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat.

Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagda-nan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.

Huwag tumayo o maglakad nang matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag tayo’y nakaupo.

Huwag mag-high heels. Alam kong mas sexy ang babae kapag naka-high heels, pero malaki rin ang stress nito sa ating tuhod.

Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag ika’y nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa iyong tuhod.

Ano ang dapat gawin?

Kung ika’y sobra sa timbang, kailangan magpapayat. Hindi kasi kaya ng tuhod ang bigat ng iyong tiyan!

Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. Mag-tsinelas din. Makatutulong ito para hindi matagtag ang tuhod.

Palakasin ang masel sa ating hita. May mga eher­sisyo para dito. Puwede ang stationary bike o magbending exercise ng bahagya lang (Half squat at hindi full squat.). Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.

Kapag umiinit ang tu­hod sa matagalang pagla-lakad, puwedeng lagyan ng malamig na bag o cold compress.

Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk (gatas) na may maraming calcium. Para sa mga ka­babaihan, uminom din ng calcium supplements.

Subukan ang Glu-co­samine at chondroitin tablets. Ang supplement na ito ay maaaring maka­bawas sa sakit ng ating tuhod. Ayon sa pagsusuri, posibleng matulungan ng glucosamine ang maninipis nating kasu-kasuan (joints).

Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, magpakonsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist.

Tandaan: Ingatan at ala­gaan ang tuhod. Huwag pu­wersahin at tagtagin sa trabaho. Ipahinga ang tuhod para humaba ang gamit natin nito.

Good luck po.

ALAM

ANO

AYON

BUMILI

HUWAG

KAPAG

PALAKASIN

SHY

TUHOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with