Ang maalinsangan katotohanan tungkol sa Palawan (karugtong)
NARARAPAT na himay-himaying mabuti ang mga isyu tungkol sa Malampaya sa dahilang 12 years pa ang itatagal nito at tinatayang aabot pa sa P130 billion ang para sa Palawan.
Ang pagkawala ng ating karapatan sa Malampaya ay pagkawala rin ng apat pang may minahan langis at ang mga potensyal na deposito ng gas at langis sa palibot ng karagatan ng Palawan.
Ang pansariling interes ay hndi dapat mangibabaw. Hindi lamang ang kinabukasan ng henerasyon ngayon ang nakataya, kundi ang mga susunod pang mga henerasyon na ang pag-asa ay nakasalalay sa mga Palawenyo ngayon, lalo na ang mga kabataan.
Walang pinapanigan ang KLM sa tunay na nakikipaglaban sa karapatan natin sa Malampaya, hindi natatakot umalis sa dilim at susuportahan ang layunin ng KLM na magkaroon ng manipesto para sa isang ‘Covenant’ kung saan lahat ng kumakandidato ay lalagda na kilalanin nila ang karapatan ng Palawan sa Malampaya at gagamitin sa wasto ang kita mula rito.
Ang lahat ng nababanggit dito ay makikita sa dokumento ‘Ang Maalinsangan Katotohanan tungkol sa Palawan.’
Walang public consultation para sa Interim Agreement ?
SUMULAT ang KLM sa opisina ng Secretary ng Sanggunian Panlalawigan noon ika-1 ng Marso 2010, para sa opisyal na makakuha ng kopya ng nasabing Sp Resolution 5893-04 at gayon din ng kopya ng public consultation upang susugan ang nasabing resolusyon. Hanggang sa isinusulat ang sipi ng KLM ay wala pang sagot o naibigay na opisyal na sulat mula sa tanggapan ng Sekretarya ng sangguniang Panlalawigan.
Ang kinansela Memorandum of Agreement noong 2002 ay nagkaroon ng public consultation sa walong munisipyo bago na-aprobahan ang SP Resolusyon 5231-02 na sa paniwala ng KLM ay isang pangsuko sa karapatan ng mga Palawenyo sa Malampaya.
Nakasaad din sa Joint Committee Report ng nasabing resolusyon na hindi magkakaroon ng 1/3 na parte ang dalawang congressional districts ng Palawan.
Taliwas sa panibagong Sp Resolusyon 5893-04 na ipinasa noong ika-19 ng Oktubre 2004 (nakakuha ng kopya ang KLM mula sa ibang pinangalingan), walang maipakitang dokumento na nagkaroon ng public consultation, at sa implementasyon ng Interim Agreement ay pinayagan ang pagkakaroon ng partihan na tig-1/3 ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at ang dalawang congressional districts ng Palawan.
Patunay pa rin na ang Interim Agreement ay isang illegal na kasunduan dahil sa walang maipakitang dokumento na may ginanap na malawakang public consultation. Patunay pa rin na ang SP Resolusyon 5893-04 ay mabilisang ipinasa sa kadiliman para sa halagang P3.1 billion na pinaghatian ng tigatlong bahagi at ang kapalit ay ang karapatan ng mga Palawenyo sa Malampaya.
Palawan ‘not for sale’ at karapatan sa Malampaya
TANONG - Alam ba ng mga Palawenyo kung magkano ang kabuuang nakolekta ng gobyerno sa Malampaya Gas Project mula noon 2001 hanggang Abril 2009?
Sagot - Halos umaabot na ng P146.8 billion!
Tanong - alam ba ng mga Palawenyo kung magkano ang 40% share base sa RA 7160 na dapat tanggapin ng Palawan?
Sagot - halos umaabot na ng P58.6 billion!
Tanong - alam ba ng mga Palawenyo na may nilagdaan Interim Agreement na ang nilalaman ay ang mga sumusunod?
Ano?
Eto - Kalahati lamang ng 40% ang ibibigay, ipamamahigi ng pantay-pantay para sa pangkabuhayan, para sa pagkakaroon ng kuryente ang lahat ng 431 Barangays sa taong 2008, regalo na lang ang kalahati ng 40% sa gobyerno kapag nanalo ang Palawan sa kaso.
Tanong - Alam ba ng mga Palwenyo ang kalahati ng 40% na dapat mapunta sa Palawan base sa Interrim Agreement?
Sagot - halos umaabot ng ng P29.8 billion!
Alam ba ng Palawenyo kung magkano lamang ang totoong natanggap ng Palawan sa nakalipas na walong taong operasyon ng Malampaya Gas Project base sa Interim Agreement?
Sagot - halos umaabot lamang ng P3.1 billion?
Tanong - Alam ba ng mga Palawenyo kung sino ang mga nagsilagda sa Interim Agreement?
Sagot - Sila ay sina Joel Reyes, Tony alvarez at Baham Mitra.
Tanong - Alam ba ng mga Palawenyo kung gaano kahalaga ang karapatan ng mga Palawenyo at ang mga susunod na henerasyon na Palawenyo ?
Sagot - ito ba ay katumbas lamang ng halagang P3.1 billion?
Tanong - alam ba ng mga Palawenyo na kung ano ang pag-asa ng mga susunod na mga henerasyon ng mga Palawenyo?
Sagot - ito ay ang mga potensyal na halos 46 na bloke ng minahan ng langis na nakapalibot ng Palawan na makapagbigay ng mahigit sa P1 trillion sa susunod na isang daan taon.
Ang sipi ito ay ibinigay sa mga kuwago ng ORA MISMO, ng magtungo sila last Saturday sa burol ni Dr. Gerry Ortega, ang broadcaster na walang awang pinatay. Ang sipi ay may petsang Abril 1-7, 2010 at hanggang ngayon ay isang pang matinding katanungan sa mga Palawenyo kung papaano nangyari ang mga ito.
- Latest
- Trending