^

PSN Opinyon

Taga-usig o depensa ba sila ni Gen. Garcia?

SAPOL - Jarius Bondoc -

LIMANG araw nu’ng naunang linggo, nag-media blitz ang Ombudsman special prosecutors. Ineksplika nila kung bakit sila nakipag-plea bargain kay dating AFP comptroller Carlos Garcia. Punto por punto winasak nila ang sarili nilang ebidensiya ng pangungulimbat niya nang P303 milyon. Ito’y para palabasin nilang walang masama sa kanyang biglaang pag-bail nang tig-P30,000 sa dalawang lesser offenses, pagwawalang-sala sa asawa at tatlong anak, at pangangakong isosoli ang kalahati (P135 milyon) ng ninakaw.

Napailing si ex-Ombudsman Simeon Marcelo sa mga dati niyang tauhan. “Zero-sum ang kahihinatnan nito,” aniya sa inasal nila. “Isinubo ng prosecutors mismo sa defendant ang lahat ng argumento. At sa mahinang tsansa na bawiin ng korte ang plea bargain at bail, magagamit pa rin ni Garcia ang mga argumento para ma-acquit. Ano’t-ano man, talo ang taumbayan.”

Samantala iisa ang pasya ng taumbayan: Ang mga taga-usig mismo ni Garcia ang tumayong taga-depensa niya. Hindi na kinailangan lumitaw ni Garcia para ipaliwanag ang misteryo sa mga kaganapan.

Sa tindi ng media blitz ng prosecutors, hindi pa rin tumugma ang sabi-sabi sa datos. Kesyo raw mahina ang ebidensiya nila para mapa-sentensiyahan si Garcia. Kesyo hindi katanggap-tanggap sa korte ang sinumpaang salaysay ng asawang Clarita, na nagdetalye sa officials ng kanilang pagpa-plunder. Kesyo wala silang itinatago. Pinabubulaanan lahat ito ng dokumentos.

Itinaguyod ng Sandigan 2nd division sa botong 2-1, at ng special division sa 3-2, na malakas ang ebidensiya ng prosecutors, kaya dapat ipagpatuloy ang paglilitis.

Pinasya din nila na ma­aring ebidensiya ang dalawang statements ni Clarita, dahil mga malayang pagkukuwento niya ‘yon ng mga kaganapan kung saan siya mismo ay kasali. Ito’y nung Enero 2010. Pero nu’ng Marso 2010, lihim nang nag-plea-bargaining.

vuukle comment

ANO

CARLOS GARCIA

CLARITA

ENERO

GARCIA

INEKSPLIKA

ISINUBO

KESYO

OMBUDSMAN SIMEON MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with