^

PSN Opinyon

Salamat sa DZRH listeners!

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MAY good news po ako. Lumabas na ang latest Radio Survey at nagulat kami nang makita namin na nangunguna pala ang aming DZRH Radio Program “Docs on Call” tuwing Sabado mula 5:30 p.m.hanggang 6:30 p.m. ng gabi.

Base sa special survey ng Nielsen Media Radio Audience Measurement (para sa Metro Manila at Mega Manila ng buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre 2010), may 32% ng nakikinig sa radyo sa mga oras na ito ay nakatutok pala sa aming medical program. Nakakatuwa dahil doble ang taas ng aming ratings kumpara sa katabing mga radio stations.

Noong pinag-aralan namin ang buong radio survey, nakita namin na mahilig pala ang mga Pinoy sa mga medical programs, balita at drama. Siyempre, alam nating mahirap at mahal ang magkasakit. Kaya kung puwede tayo kumunsulta ng libre sa radyo, ay malaking tulong na rin.

Kami ng aking maybahay na si Dra. Liza Ong ang hosts ng programang “Docs on Call.” Bukod sa aming dalawa ay nag-iimbita pa kami ng magagaling at mababait na mga doktor.

Kasama naming madalas sina Dra. Kattie Go-Estrada sa Dermatology, Dr. Sharon Mendoza sa OB-Gynecology, Dr. Alberto Roxas sa Surgery at marami pang doktor ng Philippine Medical Association at Philippine College of Chest Physicians.

Kaya punumpuno talaga ng kaalaman ang aming binibigay bawat linggo. Sa katunayan, noong isang Sabado ay umabot sa 150 text messages ang aming natanggap mula Luzon, Visayas, Mindanao at abroad pa.

Ito ang ilan lamang sa aming mga paksang tinatalakay:

Mga paraan para humaba ang buhay. Ang pag-inom ng aspirin, gamot sa kolesterol, diabetes at altapresyon ay talagang nagpapahaba ng buhay. Iilan lang ito sa 20 paraan para humaba ang buhay. Abangan.

Saging, ang pinakamasustansyang prutas. Maraming sakit ang kayang pagalingin nito tulad ng ulcer, insomnia, stress. Nakatutulong din ito sa sakit sa puso, leukemia at stroke.

Mga paraan para ma­­katipid sa medikal na gastusin. Itago ang iyong    mga medical records. Mag­tiwala sa mga generics na gamot. At may 16 pang tips pa para makatipid.

Pag-uusapan din namin ang 20 pinakamasustansyang pagkaing Pinoy. Ano kaya ito?

Kung gusto ninyong ma­laman ang kasagutan sa mga tanong na ito, makinig po kayo tuwing Sabado 5:30 p.m. - 6:30 p.m. sa DZRH radio (666 AM band). Mapapanood ninyo rin kami sa RHTV sa Cable link at sa Internet ng DZRH.

Maraming maraming sa­lamat sa pamunuan ng DZRH, lalo na kay Mr. Joe Taruc at Mr. Ruperto Nicdao sa pag­titiwala sa amin. Mag-usap-usap tayo roon.

AMING

DR. ALBERTO ROXAS

DR. SHARON MENDOZA

DRA

KATTIE GO-ESTRADA

KAYA

LIZA ONG

MARAMING

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with