^

PSN Opinyon

Magandang performance ng LTO

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

Kami ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay natutuwa sa magandang performance ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng pamumuno ni Department of Trans­portation and Communications (DOTC) Assistant Secretary at LTO chief Virginia Torres. Marami ang nakapansin sa naging maayos na operasyon at pagseserbisyo ngayon ng LTO.

Sa unang siyam na buwan pa lang ng kasalukuyang taon ay nakapagtala na agad ang LTO nang napakalaking revenues. Base sa datos, mula Enero hanggang Setyembre ay mayroon nang P13.2 bilyon na revenues ang LTO, na lampas agad sa full-year target collection nito na P12.8 bilyon. Ito umano ay mas mataas nang 3.28 porsiyento kumpara sa kabuuang koleksiyon noong 2009. Ang na­turang halaga ay malaking tulong sa pagpopondo ng ating pambansang pamahalaan sa iba’t ibang mga programa at proyekto para sa mga mamamayan.

Bukod dito ay umabot sa 750,127 ang naisagawang apprehension ng LTO sa mga sumusuway sa mga batas sa pagbibiyahe, at 1,176 na mga tsuper at operator naman ang isinailalim sa mga “seminar on traffic-safety management” upang maiwasan ang mga sakuna at iba pang nagiging problema sa kalsada.

Dahil sa mga pangyayaring ito ay todo-papuri sa LTO ngayon ang mga “stakeholder and player” sa industriya ng land transportation. Kabilang dito ang Private Emission and Testing Center Owners Association na pinamumunuan ni Tony Halili. Ayon kay Halili, kapuri-puri ang “no-nonsense campaign” ni Torres sa pangangasiwa ng kanilang industriya, kabilang ang pagpaparusa sa mga emission and testing center­ na gumagawa ng iligal na pag-iisyu ng pekeng emission test certificates sa mga sasakyang hindi naman totoong sumailalim sa testing.

Pinuna naman ni Halili ang aniya’y tila desperadong pagtatangka ng ilang sektor na sirain­ ang reputasyon ni Torres at hadlangan ang kanyang mga programa. Isang malinaw na halimbawa aniya rito ay ang pagpupumilit ng isang grupo na isangkot si Torres sa internal problem ng information tech­nology provider na Stradcom Corp.

vuukle comment

ASSISTANT SECRETARY

DEPARTMENT OF TRANS

HALILI

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

PRIVATE EMISSION AND TESTING CENTER OWNERS ASSOCIATION

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

STRADCOM CORP

TONY HALILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with