^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga patapon na karne

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISANG linggo na lang, gaganapin na ang isa sa pinakamahalagang salu-salo sa hapag-kainan sa tradisyon ng isang Pinoy.

Ito ‘yung gabi na tinatawag nating Noche Buena. May prutas, iba’t ibang matamis na panghimagas, ulam at siyempre ang paborito ng lahat, ang karne.

Sa lahat ng pagkakataon, nagbibigay kami ng babala. Maging mapanuri sa mga ihahain sa inyong hapag kainan.

Sa panahong ito, matunog na ang balitang mahigpit na nag-iinspeksiyon ang National Meat Inspection Services (NMIS) sa mga pale-palengke at iba pang pamilihan.

Talamak na kasi ang bentahan ng mga double dead na karne at mga nabubulok na karneng ipinoproseso lamang upang maibenta pa.

Kung hindi mapanuri ang isang mamimili, hindi mo mapapansin na nangangamoy na, nangingitim at bulok na ang karneng iyong binibili.

Ang kadalasan kasing sentro ng pag-iisip ng isang kostumer, mura at puwede pa.

Kadalasan, etong mga nabubulok at “botyang” karne ay ginagawang ibang lutuin tulad ng longganisa, tocino, embutido at marami pang iba.

Sa sangkatutak kasi na asukal, atsuwete at iba pang panimpla, naiiba na ang itsura ng pagkaing patapon na.

Kaya naman, bilang tulong na rin sa mga otoridad, maging mai-ngat ang bawat mamamayan.

Maaaring ireport sa aming tanggapan ang ganitong mga gawain lalo kung talamak na at walang pakundangan ang pagbebenta.

Habang maaga, mas makabubuti ang makakatipid subalit may pag-iingat kesa naman, pumatol sa puwede na subalit kalusugan ng pamilya ang nakataya.

vuukle comment

HABANG

KADALASAN

KAYA

MAAARING

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICES

NOCHE BUENA

PINOY

TALAMAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with