^

PSN Opinyon

'Inspeksiyon o aginaldo?'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAUNA nang nagbabala ang hepe ng Manila Bureau of Fire (BOF) na si Pablito Kurbeta hinggil sa pag-iinspeksiyon ng kanilang mga kawani ngayong magpapasko.

Ipinagbabawal na ang pagsilip, pagpunta o pagbisita upang mag-inspeksiyon sa anumang gusali simula Disyembre 15 ng taong ito hanggang Enero 15, 2011.

Ayon kay Manila BOF Chief Kurbeta, ito ay upang maiwasan ang anumang uri ng pangingikil ng sinuman sa kanilang mga kawani sa mga negosyante’t establisimento ngayong nalalapit na okasyon.

Sa ganitong panahon kasi nauuso ‘yung ilang kawani ng gobyerno o kaya’y mga alagad ng batas na nagme-meri krismas sa mga negosyante.

Ginagamit ang kanilang posisyon at trabaho upang palabasin na may iligal o di kanais-nais na aktibidades sa loob ng mga establisyamento.

Subalit, ang tunay na motibo ng mga asungot na ito, mangikil at mangotong. Sa madaling salita hihingi ng “aginaldo”.

Nagbibigay babala na ang BITAG sa lahat, umiwas sa ganitong modus na kung minsan ginagamit din ang pa-ngalan ng ibang kilalang personalidad, grupo o programa sa media katulad ng BITAG.

Sinuman ang may ganitong impormasyon o kasalukuyang sitwasyon, ilapit agad sa amin. Nakahanda na ang patibong ng BITAG sa sinumang gumawa ng modus na ito.

 Batu-bato sa langit ang tamaan sa nilalaman ng kolum na ito, mabukulan sana!

AYON

BATU

CHIEF KURBETA

DISYEMBRE

ENERO

GINAGAMIT

IPINAGBABAWAL

MANILA BUREAU

PABLITO KURBETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with