^

PSN Opinyon

Engkuwentro ng BITAG sa Sampaguita Gang

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MAY mga modus na hindi agarang natutuldukan maging ng mga otoridad. Pareho ang estilo, ganoon pa rin ang panloloko, ang nag-iiba lamang ay ang mga kolokoy na nasa likod nito.

Karaniwan, ang mga nasa likod ng mga modus sa lansangan ay mga taong ayaw kumita ng patas na mula sa kanilang pawis at pinagpaguran.

At kadalasan, pinamumunuan at inaalagaan ng may kapangyarihan kaya naman hindi matuldu-tuldukan.

Sa ikalawang pagkakataon, naengkuwentrong muli ng BITAG ang Sampaguita Gang.

Sa Monumento Caloocan namin sila unang namataan, dalawang taon na ang nakakaraan. Pambubrusko, pa-nanakot at paninindak ang puhunan ng mga kalalakihang nagtitinda ng Sampaguita sa nabanggit na lugar.

Kung tutuusin, pang-pronta lamang nila ang mga bulaklak na Sampaguita. Dahil ang kanila talagang pakay ay maka-kotong sa mga pobreng drayber ng bus na nagsasakay at nagbababa sa Monumento.

Sapilitan ang pagbebenta ng mga Sampaguita Gang sa mga drayber at kunduktor ng bus.

Kahit makailang beses nang dumaan doon ang bus sa kanilang pamamasada, kinakailangan pa rin bumili ng Sampaguita sa halagang beinte hanggang singkuwenta pesos.

Kung hindi, kukuyugin ka, tatakutin at ang malala ay ang masaksak ka ng mga miyembro ng Sampaguita Gang.

Alam ng BITAG na mayroong otoridad na nasa likod ng mga putok sa buhong Sampaguita Gang na ito.

Kasikatan ng araw at harap-harapan sa mga tao kung mambrusko ang mga ito. Kataka-takang ni wala man lamang traffic enforcer o MMDA na pumoposte sa lugar upang suwayin ang mga ito.

Hindi kami nagkamali, dahil bago matapos ang buwang ito, kasama ang Regional Police Intelligence Unit ng National Capital Region Police Office (RPIOU-NCRPO), winalis ang Sampaguita Gang sa kanilang teritoryo.

Dahil sa araw mismo ng operasyong ikinasa ng RPIOU-NCRPO, namataan namin ang traffic enforcer na sakay ng kanyang black hawk na motor.

Ito ‘yung itinuturo ng mga tsuper at kunduktor na pinag­hihinalaang nag-aalaga sa grupo ng Sampaguita Gang.

Subalit ayon sa traffic enforcer na nasa lugar ng mga oras na iyon, hindi raw sila ang nakikinabang sa kita ng Sampaguita Gang kundi ang barangay mismo.

Dito, kumanta na rin ang Sampaguita Gang, ang Department of Public Safety and Traffic Management ng Caloocan City ang nasa itaas raw ng kanilang aktibidades.

Hoy! Mahiya naman kayo sa balat n’yo, ang lalaki n’yong tao nakakaya ng sikmura niyong kumita sa pawis ng iba na ang puhunan ay pananakot at pambu-brusko.

Hindi pa dito natatapos ang BITAG, dahil alam namin na bago mamatay ang mga masasamang damo, kinakailangang bunutin ang pinaka-ugat nito.

At ang ugat ng modus na ito, yung mga may katungkulang nakikinabang na nabanggit sa kolum na ito. Abangan!

CALOOCAN CITY

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

GANG

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

REGIONAL POLICE INTELLIGENCE UNIT

SAMPAGUITA

SAMPAGUITA GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with