^

PSN Opinyon

'Dok, laging me lagnat ang aking anak'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dr. Elicaño, ako po ay 25-taong gulang at isang dalagang ina. Mag-isa kong binubuhay ang aking anak na babae na ngayon ay two years old na. Mahal na mahal ko ang aking anak. Kaya naman ayaw ko siyang magkasakit. Pero kahit na ano ang gawin kong pag-iingat ay lagi pa rin siyang nilalagnat. Nagtataka ako kung bakit lagi siyang may lagnat. Ipaliwanag mo po Dok kung bakit nga ba nilalagnat ang isang tao at ano ang mga gagawin kapag may lagnat. Maraming salamat.  —LETTY G. MANJARES, Marikina City

Kapag ang body temperature ay lumampas sa 37oC, mayroon na siyang lagnat. Ang lagnat ay palatandaang ang katawan ay lumalaban sa impeksiyon. Ang mga bata ay karaniwang mabilis tumaas ang temperatura (mahigit 38.9oC) subalit hindi naman ibig sabihin nito na masyadong malubha ang kanyang kalagayan. Kapag hinihinala na ang anak ay nilalagnat, patingnan agad sa doktor.

Maaaring pababain ang lagnat ng bata sa pagbibigay ng paracetamol at punasan ang katawan ng maligamgam na tubig. Sa mga adults, kung ang lagnat ay patuloy at tumagal ng tatlong araw at may kasamang sintomas na pananakit ng katawan, paninigas ng leeg at purplish rash, dapat nang kumunsulta sa doktor.

Mahalaga na ang nilalagnat ay uminom nang maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Kung hindi naman nauuhaw, uminom ng fruit juice na hinaluan ng tubig bawat oras upang mapalitan ang nawalang fluids. Bukod sa dehydration, makararanas nang pagkawalang-gana sa pagkain. Kung makararanas ng pagsusuka o pagtatae, makabubuting huwag nang kumain kahit na ano upang mabigyan ng pagkakataon ang stomach na maka-recover. 

Ang acetaminophen at aspirin ang mga gamot na karaniwang ginagamit upang mapababa ang lagnat. Gayunman, sa mga mauunlad na bansa, hindi pinapayagan ng mga pediatrician na gamitin sa bata ang aspirin dahil sa posibilidad na madebelop ang Reye’s Syndrome kung saan mamamaga ang utak at naiimbakan ng taba ang atay. 

BUKOD

DOK

DR. ELICA

GAYUNMAN

IPALIWANAG

KAPAG

KAYA

LAGNAT

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with