Totoo ba Manoling?
CENTER ng intriga ang Philippine Charity Sweepstakes Office.
Bakit?
May mga sumisira at bigyan ng kulay ang planong paglipat ng PCSO from Quezon Institute compound to Philippine International Convention Center complex dyan sa ‘sin city’ este mali Pasay City pala.
Binabakban ng mga kritiko si PCSO Chairperson Margie Juico ang mga batang may sakit na cancer para hadlangan ang plano nilang paglipat ng office.
Si dating PCSO chairman at dating director Manoling Morato ang tumitira kay Juico.
Ika nga, banatan na!
Kung hindi ka maulirat at papakinggan mo ang panig ni Manoling mukhang tama siya sa pagbatikos kay Juico.
Pero kung pagtatagpiin ang situasyon mukhang may motibo naman yata talagang pinoprotektahan ni Manoling ang mga paslit na may sick.
Sabi nga, may motives. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-umpisa ang girian nina Manoling at Juico ng kinakalkal ng huli ang million of pesos na sinasabing ibinigay ng una sa Philippine Tuberculosis Society Incorporated at iba pang transakyon.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil todits ay gustong bumawi ni Manoling at ang isyung pinalutang niya na sinakyan naman ng ilang madlang people ang isyu regarding sa Center for Life Improvement and Health Development (C.H.I.L.D) House Project or Child House.
Ang Child House ay pansamantalang tuluyan ng mga batang may sakit na kanser at iba pang may mga malubhang sakit sa QI compound at sinusuportahan ng PCSO.
Ilang ulit ng ipinamalita ni Juico na hindi nila pababayaan ang Child House dahil itutuloy nila mga tulong na ibinibigay nila dito kahit lumipat sila ng opisina.
Siyanga pala dapat malaman ng madlang people ang Child House ay pribadong proyekto ni beauty stylist Ricky Reyes.
At dahil ito ay isang private initiative at nagkataon lang na ang kinalulugaran ay malapit sa kasalukuyang tanggapan ng PCSO, hindi naman tama na ipakarga sa kanila ang bigat ng panunumbat kung sakali at maapektuhan ang kanilang operasyon dahil sa planong paglipat ng PCSO ng opisina.
Question - Ano ang papel ni Manoling?
May karapatang manumbat at palitawin na isa siyang mabuting tao na ang adhikain ay para tumulong sa mga kapus-palad?
Ano sa palagay ninyo madlang people ?
Sagot ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay wala.
Naku ha!
Bakit?
Nagkaroon din ng mga kontrobersial si Manoling noon siya pa ang bossing dyan sa PCSO kasi nakalaban niya sa korte si Calito Mirando Jr. ng Dingalan , Aurora, sinasabing nanalo ng P120,163,123.00 ang tinayaang kumbinasyon na 15-22-23-24-34-36 noong Marso 9,1996.
Ang problema natalo ang pobreng alindahaw sa court of law pero naka-pila este mali naka-apela pala up to now sa Court of Appeals ang case problem ni Mirando.
Siguro dapat umaksyon ang Malacañang dito habang maaga pa kung ano ang decision making nila sa gagawin paglipat ng PCSO sa bago nilang lokasyon.
Sabi nga, sino ang kakampihan si Juico o Manoling?
Abangan.
Ang utos ni Rep. Haresco
IPINATUTULAK ni Ang Kasangga party-list Rep. Teodorico Haresco kay Trade and Industry Secretary Gregory Domingo na ipatupad ang “Filipino Products First” policy, partikular sa mga consumer goods at magpalabas ng rules and regulations para sa mabilis implementation.
Bida ni Haresco sa mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan bigyan ng prioridad ng government of the Philippines my Philippines at maprotektahan ang Filipino enterprises laban sa unfair foreign competition at trade practices.
Sabi nga, kailangan gawin ng gobierno ni P. Noy na maging competitive ang produkto at gawan pinoy.
Kung tutuusin walang kalaban-laban ang produktong pinoy sa mga dambuhalang produkto ng mga banyaga dahil sa advertising pa lamang ay taob na ang una.
Ika nga, unahin ang mga pinoy product bigyan sila ng halaga.
- Latest
- Trending