^

PSN Opinyon

.6 milyon bata isinilang sapul nang maupo si P-Noy

- Al G. Pedroche -

SA nakaraang apat na buwan sapul nang manungkulang Pangulo si Benigno Aquino III, 600-libong bata na raw ang ipinanganak at naidagdag sa lumalaking populasyon. So? Eh ano ngayon?

Ito ang sinasabi ng mga pro-birth control upang ipamukha sa mga kontra sa Reproductive Health Bill na maling-mali sila sa pagtutol sa panukalang batas. Ito rin ang ipinagwawagwagan ng mga ralista na sumugod sa Mababang Kapulungan upang ipanawagan ang mabilis na pagsasabatas ng RH Bill.

Ako’y isa rin sa mga pabor sa population management ngunit ang estadistika na 600-libo na ang isinisilang na sanggol sa nakalipas na apat na buwan ay walang pinatutunayan.

Kung tutukoy ka ng ganyang figure ng mga isinilang, dapat tukuyin mo rin ang bilang ng mga namatay. Ganyan kasi ang buhay sa mundo – may namamatay, may ipinapanganak. Kung ang bilang ng mga namamatay ay masyadong nauunahan ng mga ipinapanganak, naririyan ang problema. Lolobo ang populasyon at baka di na matugunan ng likas na yaman ng bansa at ng mga programang ipinatutupad ng pamahalaan.

Iyan ang rason kung bakit kailangan ang mahusay na pamamahala sa laki ng pamilya. Ang mga tutol sa birth control ay ikinukonsidera na ang lahat ng pamamaraan para pigilin ang pagbubuntis (maliban sa rhythm method) ay isang uri ng abortion. Iyan ang pananaw, lalung-lalo na ng mga kaparian ng Simbahang Katolika Romana.

Kaya nga lagi nating inirerekomenda sa kolum na ito na kailangang magkaroon ng konsultasyon ang pamahalaan at ang Simbahan para makahanap ng win-win solution” sa problemang ito.

Hindi kasi lahat ng Pilipino ay Katoliko at hindi rin naman lahat ng Katoliko ay tutol sa family planning. Hindi naniniwala sa population explosion ang Simbahang Katoliko at ang mga pamilyang walang makain dahil sa dami ng anak ay responsibilidad daw ng pamahalaan.

Kung habambuhay na lang magtutuligsaan ang Simbahan at gobyerno, saan tayo paroroon? Quo vadis?

vuukle comment

GANYAN

IYAN

KATOLIKO

MABABANG KAPULUNGAN

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SIMBAHAN

SIMBAHANG KATOLIKA ROMANA

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with