^

PSN Opinyon

Malaysia problema bilang facilitator ng peace talks?

DURIAN SHAKE -

Kaya raw hindi makausad-usad ang usaping pangkapayapaan sa panahong ito sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay dahil daw sa problema na dulot ng isang Malaysian official na nakatalagang tagapangasiwa ng takbo ng peace talks.

Naging balakid daw ang pamamalakad ng nasabing Malaysian official sa peace talks dahil nga na dapat sana’y dalhin ang dalawang panig sa isang landas na magkasundo ang mga ito, mas pinapasabong pa niya diumano ang mga nasa dalawang negotiating panels na ang kahinatnat ay malabo silang magkatagpo.

 Ito ang naging problema ng administration ni Pangulong Noynoy Aquino dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maisakatuparan ang sinasabi nitong agarang pagpatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng MILF hangga’t hindi mairesolba ang problema sa Malaysia bilang facilitator nito.

Hinihintay na lang daw ang tamang panahon para sa pag-file ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa nasa­bing opisyales ng Malaysia.

Sana naman ay agad-agad maaksyonan na ng mga kinauukulan ang nararapat gawin sa Malaysian official na ito.

At ang pagka-antala ng usaping pangkapayapaan ay siyang naging dahilan ng may umabot sa halos 10,000 katao na dumalo sa iniiunsad na malaking rally kahapon sa Crossing Simway, Maguindanao province upang ipanawagan ang agarang resumption ng peace talks sa pagitan ng government at MILF panels.

Ang nasabing rally ay pinamunuan ng Bangsamoro Action for Justice and Peace (BAJP) at iba pang private sector at non-government organization representatives.

Ang layunin umano ng isinagawang rally ay upang maiparating ang kanilang pagkabahala sa wala pang katiyakan kung kailan nga magpatuloy ang usaping pangkapayaan.

Ayon pa sa mga tagapasimuno ng nasabing rally ay nais lamang nilang maiwasan ang muling pagsiklab ng giyera sa Mindanao sa sandaling hindi magkaroon ng pag-uusap ukol sa kapayapaan sa rehiyon.

Ang nasabing kilos protesta ay inilunsad din sa lalawigan ng Sultan Kudarat at North Cotabato na pina­ngunahan ng Mindanao Alliance for Peace, non-government organizations, business sectors at iba pa.

Maging ang MILF ay nagtatanong na rin kung seryoso nga ba ang pamahalaang Aquino na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan.

Nararapat lang na bigyang halaga ng pamahalaan ang matagal nang na-antalang usaping pangkapayaan na ito.

 Huwag hintayin na sumiklab muli ang giyera sa Min­danao dahil tiyak mas malaking problema ang dulot nito.

AQUINO

AYON

BANGSAMORO ACTION

CROSSING SIMWAY

JUSTICE AND PEACE

MINDANAO ALLIANCE

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with